Watch Exclusive : Direk Ellen Ongkeko-Marfil react about the issue of Direk Cathy Garcia-Molina


Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng isang iskandalo na bumalot sa social media nitong mga nakalipas na linggo kung saan tinatalakay nito ang isang issue na di umano'y nabastos ang isang ginagalang na historyador noong sumalang siya sa isang sikat na programa ng Kapamilya network, isa sa mga pinagmulan ng issue na ito ay ang hindi magandang ugali ng isang direktor na ito. Kaya naman dahil sa kanyang karanasana na iyon ay gumawa siya ng isang open letter para sa Kapamilya network at humuhingi sya ng isang public apology para dito.
Kaya naman noong umattend kami ng isang media preview ng isan pelikula tinanong din namin ang isang direktor ukol sa mga ganitong issue kung totoo nga ba ang mga ganitong kalakaran sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Narito ang amimg eklusibong panayam kay Direk Ellen Ongkeko-Marfil ukol sa issue ng pagsisigaw at pagmumura umano ni Direk Cathy Garcia-Molina.


Sa mga hindi nakakakilala kay  Direk Ellen Ongkeko-Marfil siya lang naman ang direktor ng Lakbay2Love kung saan ipapalabas na ang pelikulang ito sa darating na Pebrero 3, 2016 sa lahat ng sinehan sa bansa.

AngLakbay2Love ay ang kauna-unahang bike movie sa Pilipinas kung saan pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Solenn Heussaff at Kit Thompson.

Comments

  1. una kong nabasa yung open letter at hindi ko pa napapanood ngayon yung saloobin ni direk cathy. at sa mga nabasa kong comment ng artista okay ako sa sagot ni aiza at benjie paras. although may point din si osang.

    of course, sino ang gustong namumura? at siempre gusto natin na sana walang pinapahiyang tao. but then, yes it boils down to sana ang isinasalang sa movies ay mga gustong mag-artista, nag-aaral na mag-artista at higit sa lahat aral mag-artista. paano kung sabihin ko na namura ako ng principal ko nung high school, nung professor ko nung college, ng amo ko na nasa ibang industry... what i am trying to say is may mga bad bosses sa iba't ibang industry. pumunta ka sa advertising agencies baka mas malala pa. kasi nandoon yung pressure at ang mura doon is just a sigh of relief. for me, usapang hindi pa kasi na-experience nung tao, hindi napakinggan ang kanyang saloobin at malamang hindi ito ang linya niya. ang trabaho ay hindi lamang sa gagawin at kita, kundi kung ano ang values mo at mahalaga sa iyo. i respect yung nagsalita sa isyu, but para sa akin hindi malakung kasiraan ito ni direk cathy.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts