Theater Review : Repertory Philippines' The Game's AFoot
Repertory Philippines' The Game's AFoot |
Hindi ko lubos maisip kung paano nabigyan ng magandang obra at naisatablado ng Repertory Philippines ang The Game's AFoot na alam naman ng lahat na mahirap iyong gawin sapagkat sa pagsulat pa lamang ng kwento na ito ay sobrang detalyo na mula sa lugar na pinaganapan maging sa mga tauhan na ito. At masasabi ko na mahusay ang direktor sa lahat ng aspito na ito dahil mas binigyan ng buhay ang entablo sa magandang stage design nito na talaga naman nakapagbalik sa iyo sa nakaraan at mararadaman mo ang kwento.
Sa mga hindi nakakaalam ang kwento ng The Game's AFoot y tumatalakay sa kwento ng pamilya, pag-ibig at mundo ng teatro.
Isa si William Gillette (naginagampanan ni Paul Holme) na sikat na aktor dahil pa pagganap niya bilang Sherlock Holmes pero ay isang misteryo magbabalot sa kanilang tahanan pagkatapos ng isang aksidente habang ginagawa ang isang palabas at hindi na iikot ang kakaibang kwento ng kakatawanan, misteryo ng pagkawala at misteryo kung sino nga ba ang tunay na salarin.
ANg nakakatuwa pa dito ay nagyari ang lahat ng ito sa pagsapit ng Pasko kung saan dapat ay maging masaya ang bawat isa ngunit dahil sa sa tradedya na ito ay magkakaroon o mas tamang sabihan na natin magkakalabasan ng mga tunay na sila.
Tara samahan mo akong bigyan ng kilatis ang ilan sa mga karater na kanilang ginampanan.
Paul Holme bilang William Gillette minsan ko na rin nasilan ang pag-arte ni Paul Holme sa entablo masasabi ko pinag-aaralan niya ng husto ang kanyang karakter at alam niya kung paano niya gagawan ng atake ito, isa sa masasabi kung naging paborito eksena ay ang pagmamahal niya sa kanyang na si Martha Gillete kung saan gagawin niya ang lahat huwag lamang makulong ito.
Jeremy Domingo bilang Felix Geisel, isang mabuting kaibgan ni William. Isa sa paborito kung parte ng kanyang ginawa sa Repertory Philippines' The Game's AFoot ay kung saan paano niya itatago si Daria dahil masasabi kong sobrang galing niya sa mga eksena na yun at napansin ko din na parang napunta sa kanya ang lahat ng mamasayang eksena na talaga naman ng bigay ng buhay sa bawat eksena.
Pinky Amador bilang Daria Chase, ang nagbigay ng buhay sa The Game's AFoot hindi dahil siya si Pinky Amador kundi dahil sa kanyang mga eksena bilang Daria, isang sikat na manunulat sa mundo ng entertainment mapangahas ang mga sulat na talaga naman magbibigay sa ng sakit sa iyong puso. Isa sa part na nagustuhan ko dito ay kung saan ipinamalas niya talaga ang mapipiging maldita siya sa mga kasama niya, isa dito ay ang pagbunyag ng mga liham ng mga bawat isa mula sa kayaman hanggang sa kanilang iniibig.
Natalie Everett bilang Inspector Goring, masasabi ko iba rin ang atake niya may mga parte sa mga eksena na hindi naman kailangan ngunit magaling siyang gumalaw at talaga naman mapapaisip ka sa mga bawat salitang kanyang binibitawan at higit sa lahat nakakatuwa din sapagkat ang liit niya bilang isang inspector ngunit malawak ang kanyang paggalaw sa entablo kaya naman kahit na nasa malayo ka ay kita-kita mo siya at maliban pa dito ay nararamdaman mo siya sa lahat ng eksena niya. Isa sa mga naging paborito eksena dito ay pagkilis niya sa mga bawat crime scene tapos gagawa ng palusot si Paul Holme bilang William Gillette.
Kaya naman bibigyan mo ng 3.5 / 5 na rating ang Repertory Philippines' The Game's AFoot dahil sa mahusay na maglalahad ng mga kwento nito maliban pa dito may mga eksena talaga napapaisip ka at mapapawow mula sa production design pa lamang hanggang sa mga kakaibang twist. Kung tutuusin para ka na rin nasa kwento dahil parang gusto mo na rin sumali sa para pasolve ang crime scene.
Kaya naman congrats kay Direk Miguel Faustmann sa mabusising set desig at pagsabuhay ng kwento ni Ken.
Mapapanood ang Repertory Philippines' The Game's AFoot sa Greenbelt 1, Onstage Theater at tatakbo ito hanggang February 7.
Thanks for Sharing Axl..i guess yung last play na napanuod ko eh nung high school pa ako.. Sa St Scholastica yun then ang play is about kay Rizal.. then after nun they did another play pero shorter at comedy naman ^_^
ReplyDelete