Augusto "Boboy" Syjuco tatakbong Presidente sa Halalan 2016

Augusto "Boboy" Syjuco
Isa sa masasabi ko na may magandang nagawa sa panahon ng nanununkulan ni dating Pangulong Gloria Arroyo ay si dating Sec. Boboy Syjuco ng TESDA dahil sa kanya kaya tayo nagkaroon ng iba't-ibang mga programa sa technical education maliban pa dito mas pinalawak pa niya ng husto ang sakop ng edukasyon gamit ang systema ng ladderized education kug saan una ito nakita sa Pilipinas.

Kaya naman bago ang lahat nagkaroon ako ng pagkakataon para kilalanin ng kaunti kung sino nga ba si Boboy Syjuco, ipinangak noong Disyembre 11, 1942, dating Congressman ng 2nd district ng Iloilo at ung nga yung naging Director General of Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Maliban pa dito sa mga tipikal na impormasyon nakuha ko nabalitaan ko din na tatakbo siyang presidente sa darating na halalan kung saan makakalaban niya ang mga kilalang personalidad sa pulitika, kaya naman naitanung sa kanyan kung anu nga ba ang mga plataporma niya na maibibigay sa taong bayan.

Narito ang ilan sa mga plataforma niya :

Augusto "Boboy" Syjuco share what the plans for 2016
Isa sa mga gusto niyang ayusin ay ang internet connection natin sa bansa, dahil alam naman natin na isa ang Pilipinas na mabagal ang internet connectio pero isa tayo sa mga madalas na gumagamit nito, isa sa mga nakikitang niyang solusyon dito ang ang pagsasaayos ng mga internet provider sa bansa.

Ikalawa ang pag-sasaayos ng daloy ng trapiko sa bansa na kung saan milyon-milyon mga tao ang naaapektuhan dahil dito mula sa negosyo hanggang sa atin mga pansariling lahat, isa sa mga naiisip niyang solusyon ay mas malawakin ang sakop ng Metro Manila na magiging Mega Manila kung saan ang katatig lungsod kagaya ng Rizal, Laguna, Pampanga ay mas mabigyan ng pansin lalo't pa na kahit paano ay nagiging maganda na rin ang kalakalan sa mga nasabing lungsod.


Ikatlo ang pagpapatuloy niya ang kanyang nasimulang programa sa edukasyon kung saan nga na gumawa siya ng Ladderized Education  para sa mga kabataan na gusto mag-aral ngunit hindi sapat ang kanilang salapi para matustusan ang mga pangangalilangan nito. Sa mga hindi nakakaalam ang ladderized education ay isang systema kung saan pagkatapos mo ng highschool ay pwede kang pumunta sa TESDA upang mag-enroll ng mga short course ng paunti-unti o hindi naman kaya ay mag-enroll sa mga affiliate college na may ladderized education program. Upang sa ganun ay kahit   makapagtapos ang isang kapus-palad na gustong magkaroon ng isang maayos na edukasyon.

Para sa iba pang mga impormasyon patungkol kay Augusto "Boboy" Syjuco maari lamang komonek sa kanyang mga social media account http://www.augustosyjuco.ph at https://www.facebook.com/OfficialTitoBoboySYJUCO.

Comments

  1. I think siya yung tatay ni Miguel Syjuco, Filipino writer who won a literary prize for his book Ilustrado. And yes, the writer is super handsome. hehehe!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts