Jericho Rosales tinuturing blessing ang #WalangForever


Sabi nga nila wag kang masyadong umasa sa mga bagay-bagay mas mainam na gawin mo ang lahat ng makakaya mo para makuha mo ang mga ito sa tamang panahon at pagkakataon, isa si Jericho Rosales sa mga artistang hinahangan ko hindi dahil sikat siya ngayon kundi dahil nakita ko ang kanyang aking galing sa pag-arte simula noong napanood ko sya sa kanyang independent film na "Alagwa" kung saan tinatalakay dito ang child trafficking.
Kaya naman pagkatapos ko siyang mapanood doon ay humanga na ako sa kanya dahil sa wakas nailabas na rin niya ang tunay na arte na hindi basta-basta na lamang. Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit nasungkit ni Jericho Rosales ang kanyang bagong Best Actor award sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival.

Kaya noong natanung siya kung tatanggapin ba niya ang role na nakuha niya sa #WalangForever sapagkat alam naman natin lahat na ang orihinal na role na Ethan ay si JM de Guzman.

Narito ang kanyang naging pahayag sa bagay na iyan.

Jericho Rosales : More on excitement at kaunting kaba. Its was an answer prayer just a few month before we got the offer I was praying about getting an offer para sa isang rom-com kasi puro heavy,heavy sa tv so i wanna penetrate sa movie, you know going back to movie again.

Narito ang naging video para sa buong sagot ukol sa katanungan na iyon.


Kaya naman hindi na ako magtataka pa kay Jericho Rosales kung sakali man na gagawa pa siya ng isang romantic - comedy na pelikula sigurado akong makakaya niya at magagawan ng mahusay na karakter.

Sa mga hindi nakakaalam si Jericho Rosales ay nagdiriwang ngayon ng kanyang 20th year anniversary sa showbiz kung saan una siyang nasilayan ng madla noong sumali siya sa isang portion ng Eat Bulaga na Mr, Pogi at nabigyan naman siya ng magandang break sa showbiz noong ginawa nila ay prestisoyong "Pangako Sa 'Yo" kung saan katambal niya ang kanyang dating kasintahan na si Kristine Hermosa at simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.


Isa sa mga dapat abangan sa kanyang 20th year anniversary ay ang pagkakaroon niya ng isang palabas sa telebisyon kung saan makakasama niya ang isa sa mga kagrupo niya noo na "The Hunks" na si Piolo Pascual.

Ang exciting ng naging karera ni Jericho hindi ba? Sigurado ako sa darating pa na 20yrs mas magiging isang icon na siya sa mundo ng showbiz.

Comments

Popular Posts