Ballet Philippines' collide the dance and contemporary arts through OPERA

May bagong handog sa atin ang Ballet Philippines para sa kanilang season ender sa taong ito ang Gabriel Barredo's OPERA kung saan ang dalawang uri ng sining ay kanilang ipinagsama-sama upang mas mabigyan ng kakaibang produksyon sa kanilang season ender. Maliban pa dito ay may muling nagbabalik sa Ballet Philippines ay isa sa pinagmamalaking ballerina ng BP na si Carissa Adea. Sa mga hindi nakakaalam si Carissa Adea ay nakilala sa kanyang mga pagganap bilang Snow White, Marie and the Sugarplum Fairy in The Nutcracker, Wendy in Peter Pan, Sisa in Crisostomo Ibarra, Kitri in Don Quixote, Sita in Rama Hari and Helena and Titania in A Midsummer Night's Dream kaya naman labis ang tuwa ng Ballet Philippines na muling sasalang si Carissa Adea sa kanilang pinakahuling produksyon, si Carissa Adea ay gaganap bilang isang ina sa Gabriel Barredo's OPERA.


Base sa akin pagkakaintindi magiging kakaiba ang produksyon na ito sapagkat may mga elements na talaga naman magbibigay sa ito ng pansin mula sa sayaw kung saan talaga mapapaisip ka sa mga bawat tunog na maririnig mo. Maliban pa dito makikita mo din kung paano nga ba nila gagamitin ang mga obra ni Gabriel Barredo sa entablo ng CCP.


Kaya naman noong nagkaroon ng sneak preview para sa Ballet Philippines : Gabriel Barredo's Opera ay talaga naman namangha ako sa kanilang mga galaw at pag-indak sa mga tunog nito, isa sa mga nagustuhan ko ay ang mga eksena maari pumukaw sa iyong imahinasyon at kung maari lamang ay huwag kang kukurap sapagkat maraming nagaganap sa entablo sa loon lamang ng ilang segundo.

Narito ang excerpt ng Ballet Philippines : Gabriel Barredo's Opera upang malaman ninyo kung anu nga ba ang aking ibig ipahiwatig.


Napansin ko lang na medyo kakaunti lamang ang mga ballet dancer sa pagkakataon ito at base sa ibinigay na pahayag ni Paul Alexander Morales ang Artist Director ng Ballet Philippines ay piling-pili lamang ang kinuha ng kanilang choreographer sapagkat masyado detalyo ang mga sayaw na kanilang gagawin lalo't pa ito ay maaring bago sa paningin ng mga manonood.

Ilan sa mga main cast ng Gabriel Barredo's Opera ay sina Victor Maguad at Earl Sorilla bilang Twin, Carissa Adea bilang Nanay, Denise Parungao bilang Death, Jean Marc Cordero bilang Watcher at Earl John Arisola bilang Creation, 
The casr of Ballet Philippines : Gabriel Barredo's OPERA

Mapapanood ang Ballet Philippines : Gabriel Barredo's Opera sa darating na Pebrero 13 at 14 sa ganap na 1:00Pm at 6:00Pm at sa Pebrero 16 naman sa ganap na 8:00Pm para saFundraising Gala mapapanood ito sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater)

Comments

Popular Posts