Movie Review : Taklub And An Interview with Brillante Mendoza

Sabi nga nila ang buhay ng isang tao ay hindi lamang puro sarap sapagkat kung palagi na lamang yun, wala ng magiging pagbabago para sa iyo at masasanay ka na lamang ng ganun lamang.


Ang isang pangsubok ay nagbibigay sa iyo kung hanggang saan ka matatag at kayang magtiwala sa may kapal higit sa lahat kung paano mo ito malalagpasan.

Maraming beses ko na napanood ang Taklub ni Nora Aunor ngunit hanggang ngayon malaki pa ang naging epekto nito sa isang orginaryong tao o mas tamang sabihin na mas maging bukas sa mga iba't-ibang mga pagbabago mula sa kalikasan.

Ang Taklub ay hindi lamang sumesentro sa isang kwento ng nangyari sa bagyong Haiyan o mas kilala bilang Bagyong Yolanda, sumasalalim din sa pelikulang ito sa maraming aspeto ng buhay mula sa paniniwala sa Dios, pamilya, tradehya,pagkakaibigan, realidad ng pamamalakad ng gobyerno / tugon ng gobyerno tuwing may mga ganitong kalamidad, bayanihan, pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at higit sa lahat ang mawalan ng isang minamahal ng hindi mo inaasahan.

Kung papanoorin mong mabuti ang pelikulang ito masasabi mong para siyang isang dokumentary pero may pagkanarrative style din, isa ito kombinasyon ng dalawa na talaga naman nagpakita ng interes para malaman mo o mas bigyan mo ng pansin ang Tuklob.

Isa si Nora Aunor sa bida ng Taklub masasabi ko na wala pa rin siyang kupas pagdating sa pag-arte mapapelikula man ito o telebisyon sapagkat sa kanyang mga mata pa lamang ay nakikita mo na kung ani ang kanyang gusto ipahiwatig at sabihin.


Isa sa mga gusto ko dito ay ang karakter ni Erwin na ginagampanan ni Aaron Rivera, isang mabuting kaibigan at kapatid na kahit anu man ang manyari ay dapat sama-sama pa rin sila at nakita dito na kung gaano kahalaga ang pamilya sa aspeto na yun lalo na sa parte kung saan naghanda pa siya ng kaunting salo-salo para sa kanyang nag-iisang kapatid na babae para sa kaarawan nito.

Over-all masasabi ko na hindi siya ordinaryong pelikula kung saan may love story na pagmamakilig sayo o isang drama na pagpapaluha sa iyo, isa itong pelikula na magbubukas sa iyong kamalayanan na dapat mong alagaan ang iyong kalikasan higit sa kanino pa man sapagkat masamang maghiganti ito.

Interview with Direk Brillante Mendoza

Pagkatapos namin panoorin ang Taklub nagkaroon kami ng pagkakataon para mainterview ang tinuturing Philippine Director King na si Brillante Mendoza, aaminin ko kahit sabihin natin magulo, malaswa, pangit ang ilan sa mga pelikula niya mas kwento naman ito na pinag-isipan at binusisi ng mahabang panahon. Ika nga nila hindi basta-basta kaya naman noong nagkaroon kami ng pagkakataon na mainterview siya ay namangha ako sa mga sagot niya at masasabi kung alam niya ang kanyang ginawa sa bawat pelikulang niya.

Narito ang interview namin kay Brillante Mendoza



Mapapanood ang Taklub sa mga piling sinehan:

1. SM NORTH
2. SM MEGAMALL
3. SM MANILA
4. SM STA MESA
5. SM FAIRVIEW
6. SM SOUTHMALL
7. SM BACOOR
8. SM CEBU
9. GATEWAY
10. ROBINSONS GALLERIA
11. ROBINSONS TACLOBAN
12. GLORIETTA 4
13. TRINOMA
14. MARKET MARKET
15. FAIRVIEW TERRACES
16. GAISANO DAVAO
17 GREENHILLS
18 FESTIVALL MALL

So paano kita-kits tayo sa sinehan bukas September 16, 2015.

Bago mawala sa aking isipan maraming salamat kay Direk Brillante Mendoza sa masarap na meryenda at pagtour sa amin sa kanyan munting restaurant na Filmfest na matatagpuan sa Mandaluyong City.

Para sa iba pang mga larawan na naganap sa interview na ito maari lamang kayong pumunta sa opisyal na AXLPowerhouse fanpage.

Comments

Popular Posts