Irma Adlawan back in theater through "Mga Buhay na Apoy" | Exclusive
Isa sa mga hinahangang aktress sa kanyang henerasyon na si Ms. Irma Adlawan ay muling magbabalik magkalipas ng dalawang taon nitong pagkawala sa mundo ng teatro.
Aaminin ko hindi ko pa siya napapanood sa teatro pero nakikita mo na siya sa telebisyon at sobrang hanga ako sa kanyan sapagkat masasabi ko wala pa rin siyang kupas sa pag-arte kaya naman pala sapagkat nagmula siya sa teatro kung saan matindi ang disiplina dito. At kanina lamang ay nabalitaan ko na naging parte pala siya ng Tanghalang Pilipino noong 1991 hanggang 1998 sa pamumuno ni Felix Padilla.
Kaya naman sa kanyang pagbabalik sa kanyang unang minahal ay di na ako magtataka pa kung bakit tinanggap niya ang role na binigay sa kanya ng Tanghalang Pilipino sapagkat unang-una ay ang "Mga Buhay na Apoy" ay sinulat ng isang magaling na director na si Kanakan Balintagos maliban pa dito makakasama ni Ms Irma Adlawan ang ilan sa mga magagaling na actor at actress katulad nina Carol Bello, Malou Crisologo, Peewee O’hara, Russell Legaspi, Karen Gaerlan, Raymond Dimayuga, Philippine Highschool for the Arts’ Kyrie Samodio, Tanghalang Pilipino’s Actors Company Jonathan Tad Tadioan, Doray Dayao at Lhorvie Nuevo. Sa time-up pa lamang ng cast ay makikita muna na worthy-it itong panoorin lalo't pa na hindi lamang ito ordinaryong palabas sa teatro sapagkat ang kwentong Mga Buhay na Apoy ay sumasalalim ang kwento ng mga katutubo natin sa Palawan kung saan pinapahalagahan nila ang kanilang mga tradisyon na munting-unti nawawala dahil sa pagdating mga makabagong teknolohiya.
Tara samahan mo ako kausapin si Irma Adlawan kung bakit nga ba siya nagbalik sa teatro.
Narito ang exclusive interview ng AXLPowerhouse Team.
Mapapanood ang "Mga Buhay na Apoy" sa darating na Oktubre 2, 9, 16, 23 Biyernes sa ganap na 8;00 ng gabi / Oktubre 3, 10, 17, 24 Sabado sa ganap na 3;00 ng hapon at 8;00 ng gabi at sa Oktubre 4, 11, 18, 25 Linggo sa ganap na 3;00 ng hapon. Ang lugar ng panggaganap ay sa Tanghalang Aurelio Tolention, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP).
Para sa iba pang mga detalye patungkol sa "Mga Buhay na Apoy " maari lamang kontakin sina Pie Umali at 09178763678, o Lei Celestino at 09156072275 o Aira Bartolome at 09273629081.
Para sa iba naman larawan ng "Mga Buhay na Apoy" tumungo lamang sa opsiyal na fanpage ng AXLPowerhouse.
So paano kita-kits tayo sa darating na Oktubre para sa pagbabalik ni Irma Adlawan sa entablado ng teatro.
The cast of Mga Buhay na Apoy and the Director Kanakan |
Mga Buhay na Apoy (excerpt) |

I like her. I think she's one of the most talented actors we have. Natural lang umarte pero ang galing.
ReplyDeleteat first hindi ko talaga alam ang name nya pero I already saw her in many teleserye and indie films... saka ko lang sya narecognize ng husto during the Amaya days and from then on.. I really admire her talent.. galing umarte
ReplyDelete