Sabi nga nila ang bawat tao ay may isang kanta sa kanyang buhay kung saan malayang siyang kantahin ito ayon sa kanyang sariling ritmo at melodiya.
|
Full Range - The Music of Jesse Lucas |
May mga awiting madali tayong makaunawa at may mga awitin namin na anino'y humihingi ng pag-unawa, isang awitin na kailan pa man ay hindi mawawala'y o mapapatay sa mahabang panahon na magdadaan, ika nga nila mas lalo pa itong lalamin ng hindi mo inaasahan.
Kung susumahin may mga awitin na ngayon mo lang nadinig pero ramdam mo kaagad ang isang kanta na anino'y ikaw ay hinehele hanggang sa yakapin ka nito ng husto.
|
Sa Kanyang Piling ni Irwa Adlawan |
Iyan ang aking naramdaman pagkatapos kung mapanood at mapakinggan ang mga awitin na nilikha ng isang magaling na Pilipinong kompositor na si Jesse Lucas, isang simpleng tao, masarap kausap at makumbaba, ilan lang yan sa masasabi pagkatapos kung damhin ang bawat kantang kanyang ginawa at pinakilala sa madla. Kung susumahin mo ito ng husto ay iilan lamang doon ang pamilyar sa aking pandinig ngunit subalit may isang kanta doon na labis kong kinatuwa at nagalak ng husto, hindi ko alam kung anu ang meron sa kanta na iyon pero para kang dinadala sa isang deminsyon kung saan nakikita mo ang isang pighati ng isang damdaming nagmamahal, isang magmamahal na anino'y nagsasabing "hindi kailan man dito natatapos ang isang masayang pagsasama", anu nga bang kanta ang aking sinasabi? Ito ay walang iba kundi ang "Sa Kanyang Piling" na kinanta pa ng isang magaling na aktress mula sa teatro, telebisyon at pelikula na si Irma Adlwan, ginamit sa kanyang pelikulang "Sa North Diversion Road."
Ilan sa mga naging performers ng gabi din iyon ay sina Irma Adlawan, Natasha Cabrera, Liesl Batucan, Roeder Camanag, Shiela Francisco, Al Gatmaitan, Franco Laurel, Sandino Martin, Camille Lopez-Molina, Banaue Miclat-Janssen, Ayen Munji-Laurel, Rica L. Nepomuceno, Tex Ordoñez, Bodjie Pascua, Sweet Plantado, Pillowcase, Jun-Jun Quintana, Valenzuela City Center for the Performing Arts at Philippine Ballet Theatre.
|
Quiapo |
Isa din sa mga nagustuhan kung awitin ng kanyang nilikha ay ang mashup - highlights mula sa the musicals “Urbana at Felisa”, “Quiapo”, GTF's “Sleeping Beauty” and “Cinderella.”
Syempre mas naaliw ako sa Quiapo sapagkat naging tahanan ko na ang Quiapo sa loob ng ilang taon maliban oa dito kahit maikli lamang ang naging performace ng Quiapo ay naging masaya ako sapagkat kahit paano ay nabigyan ng pansin ang Quiapo sa kanyang mga likha.
|
Jesse Lucas - a great Pilipino composer |
Maraming salamat Sir Jesse Lucas sa isang masayang gabi na ito, isang gabi na puno ng musika. Nawa'y ipagpatuloy ninyo po ang paggawa at paglikha hindi lamang sa para kumita kundi maging daan para mas masayang sining at kultura ng bansa.
Mabuhay ang original pinoy music.
Para sa iba pang larawan ng Full Range - The Music of JESSE LUCAS tumngo lamang sa opisyal na fanpage ng
AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment