Grammger.Ph not just an ordinary instagram community

Sabi nga nila makihalo ka sa mga bagay na alam mo naman sa simula pa lamang ay may matutunan ka sa bawat paglalakbay.


Matagal-tagal na rin simula ng sumali ako sa mga photowalk sa ibang grupo masasabi ko na muling nabuhay ang magiging photo-hobbyist sa pagkatao ko. Kung tutuusin naman talaga halos araw-araw naman akong nagphophotowalk pero iba pa rin ang pakiramdam kung may kasama ka at kapalitan ng mga iba't-ibang mga kuro-kuro sa bawat bagay personal man ito o isang malalim na pag-uusap. Kasi sa pag-uusap na iyon doon nabubuo ang mga iba't-ibang mga konsepto na maari mong magamit sa susunod na kailan mo o hindi naman kaya ay magkaroon kayo ng isang kolaborasyon sa susunod, hindi ba?

Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pa kung sasali pa ako sa kanila o hindi, dahil sa una pa lang nakakamiss talaga ang ganitong ganap kaya noong nakaraan Agoto 30, 2015 ay nagkaroon ng isang ganap ang Grammer.Ph kung saan sa upang magkakataon ay magsasam-sama ang ilan sa mga magagaling at malulupit na igers sa kamaynilaan upang tuklasin ang ganda ng isang lugar. Maliban sa Maynila nagkaroon din ng instameet-up ang iba pang mga Grammer.Ph sa iba't-ibang sulok ng mundo katulad na lamang ng Dubai at Singapore.
Participants of #GrammerPH
Ang lokasyon ng meeting place ay walang iba kundi sa makasaysayang lugar sa Pilipias, ang Intramuros. Oo nakakasawa na talaga ang lugar na ito ngunit subalit marami ang nagbabago sa bawat araw na ika'y mapapadaan sa makasaysayang lugar na ito lalo na kung may kasama ka. Maliban pa dito ay pinasok na rin namin ang makasaysayang Fort sa bansa ang Fort Santiago.

Another shoot for TEAM PAK
Masasabi ko din ito rin ang kauna-unahang grupo na tinulungan ko sa pag-ayos ng ilan bagay (patungkol sa photowalk) at masaya ako dun sapagkat mas nakilala ko ng husto ang ilan sa kanila na dati-rati ay nakakausap ko lamang sa instagram o sa facebook. Dito ko rin nakilala ng personal ang ilan sa mga mahuhusay at kilalang instagramers o igers ng bansa. Masasabi ko na sobrang dami kung natutunan sa kanila, bawat isa may kweto, isang kwentong sumasalalim sa kanilang pagkatao, isang pagkwento magbibigay sa'yo ng inspirasyon upang mas pag-igihin mo ang dapat.

Team PAK

At higit sa lahat naging parte ako ng organizing committee ng Grammger.Ph at nag syempre humawak din ng isang grupo kung saan hindi ko akalain na sobrang mababait, bibo at game sa lahat ng bagay, sila ang TEAM PAK. Kasama ko sa Team Pak ang founder ng Grammger.Ph na si Pierre Guevarra. Aaminin ko noong una ko siyang nakita naiilang ako sa kanya sapagkat muka siyang suplado ngunit ng tumatagal ay sobrang kulit at kalog din pala siya, no doubt kung bakit naging matagumpay ang ginawa niyang instagram community. Syempre ay dahilan ng lahat kung bakit napasali ako dito dahil sa isang estranghero ngunit kalaunan ay naging isang kaibigan walang iba kundi si Bryan Jeramiah Mercado, isang kabalen, noong una ko siyang nakikilala sa pamamagitan ng Instagram pero ang totoo niyan di ko matandaan eksakto kung paano nga ba basta ang alam ko isang araw ay naging kapalitan ko na siya ng mga kuro-kuro patungkol sa fotografia at usapang Pampanga, isa rin siya sa magagaling na igers, magaling mag-isip ng konsepto para sa feed. At ang panghuli na kasama ako sa organizing team ay si Carlo Moralde siya ang una kong napansin noong pumunta ako sa meeting place namin mga organizing team sapagkat ang ung mata niya kakaiba, weird kung tutuusin pero ang dami kwento ng mata niya, halo-halong emosyon ang makikita mo pero masasabi kung sobrang galing din nya sa pagkonsepto ng iba't-ibang mga bagay sa mundo ng fotografia liban pa dito ay isa sya sa mga Grammger.Ph ambassador, kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit ganun na lamang siya mag-isip patungkol sa mga magagandang feed para sa Instagram niya at mainam siyang kakwentuhan lalo na noong papasok na kami ng Fort Santiago.

The Organizing Team of #GrammerPh
Sa bandang huli masasabi kung isa ito sa hindi ko makakalimutang pagkakataon na nakasama ko ang Grammer.Ph founder, ambassador, organizing committee at ang mga nakilahok sa kauna-unahang ganap ng Grammer.Ph.

Kaya naman di na ako magkakataka kung papatok ang kanilang ikalawang ganap na may pamagat na Worldwide Instameet 12 - Manila Leg nagaganapin sa darating na Oktubre 4, 2015 sa Bonifacio Global City para sa detalye patungkol dito tumungo lamang kayo sa kanilang opisyal na instagram na GrammerPH.

So paano hanggang dito na lamang ako, kita-kits tayo sa kanilang ikalawang ganap aasahan kita dito kaibigan!

Para sa iba pang mga larawan sa nakaraang GrammerPh event tumungo lamang sa opisyal na AXLPowerhouse fanpage.

About Grammer.PH

grammerPH Goal: To unite all the Filipino Instagrammers worldwide. Featuring Photos, Stories and People. Follow us and use #grammerPH

Comments

Popular Posts