Ginugunita Kita : One Night of Love, Passion and Memories

Sabi ng nila ang bawat sulat na iyong gagawin ay magiging isang alaala ng nakaraan, kung saan ang nakaraan ang magbibigay sa iyo ng pagkakataon para kilalanin ka ng nakararami.


Mahirap humusga sa isang tao lalo na kung hindi mo siya lubos nakilala ng personal pero gaya nga nagsabi ng karamihan mahuhusgahan mo siya sa pamamagitan ng mga tao sa kanyang paligid at batay na rin sa mga kanyang ginawa, katulad na lang kung ikaw ay maging sumulat. Dahil alam naman natin lahat na pag ikaw ay nagsusulat ay doon mo na lang nailalabas kung sino ka nga bang talaga o mas tamang sabihin ito ako sa mata ng karamihan.

Bakit ko nga ba nasabi ang bagay na ito gayong buhay pa naman ako at patuloy na nakikihalo sa mundong akin ginagalawan, simple lang dahil lahat tao ay lilisan din sa mundong ito sa tamang panahon at pagkakataon, pagnawala na tayo ay dito na tayo huhusgahan ng taong hindi namin natin kilala, hindi ba?


Tulad na lamang ni Maningning Miclat, isang mahusay na manunulat ng kwento, tula at isang pintor. Dito niya nilalabas ang kanyang saloobin puno man ito ng pighati o galak, lumbay o saya.

Kung tutuusin hindi ko siya nakilala ng personal ngunit noong gabi ng 03 September 2015, nakilala ko siya ng hindi inaasahan, isang gabing puno ng lumbay, ligaya at kirot,

Paano ko siya nakilala? Simple lang sa pamamagitan ng isang gabi ng palabas sa entablo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas kung saan binigyan buhay ang bawat gawang tula ni Maningning Miclat sa pamamagitan ng isang awitin na nilapatan ng musika ng isang magaling na komposer na si Jesse Lucas at mas nabigyan pa ng buhay sa pag-awit ng kanyang kapatid na si Banaue Miclat - Janssen, Akala ko ang gabing iyon ay magiging isang simple panonood lamang ngunit sa bawat awit at kwento na aking nakikinig ay nabibigyan ako ng pagkakataon para kilalanin kung sino si Maningning at ang kanyang mga gawa, aaminin ko hindi man ako kasing galing niyang sumulat pero marunong akong umunawa sa bawat kwento.


Isa sa mga naging paborito ko ng gabing iyon ay ang Kulay ng Bagyo, nakakatuwang isipin na may kulay pala ang bagyo hindi ba? Ngunit kung nanamnamin mo ang bawat salita sa kanta na iyon ay noon mo malalaman ang ibig nitong ipahiwatig, malungkot oo pero ganun naman talaga hindi ba? Hindi perpekto ang buhay kung walang mga ganun mga bagyo na darating sa iyo, ang mas mainam ay tignan mo kong paano mo ito haharapin at bibigyan ng positibong pananaw.


Sa gabing ito una kung nasilayan ng buong-buo si Banaue Miclat - Janssen sa entablado, ung hindi saglit lang, ika nga ng marami nasa iyo ang pagkakataon para ipakita ang iyong galing sa loob ng mahabang oras kaya dapat hindi mo ito sayangin. Masasaya ako sapagkat nabigyan niya ng magandang interpretasyon ang bawat gawa at sinamahan pa ng isang Cello na si Maestro Renato Luca at syempre si Jesse Lucas ay sarap sa taenga ng bawat melodiya na kanilang nilalabas mula sa kanilang mga instrumento, naisip ko nga sana araw-araw may ganun akong naririnig sa radio, hindi ba? Masarap pakinggan at hindi nakakasama, salamat sa magandang melodiya Sir Jesse Lucas,

Al Gatmaitan at Banau Miclat
Bibigyan ko din ng pansin ang ilan sa mga nagbigay ng special participation ng gabing iyon na si Al Gatmaitan sa kanilang duet ni Banaue sa kantang Josephine Bracken at Rizal, ang cute lang ng kwento na ito madrama oo pero kung iisipin mo sana ganito pa din ngayon.

Sa bandang huli masasabi kung ang gabi ito ay di lamang gabi ni Maningning kundi gabi nating lahat ng dumalo, isang gabing punong, puno ng pagmamahal, simbuyo ng damdamin at higit sa lahat alaala ng nakalipas na masarap balikan.

So paano hanggang dito na lang muna ako hanggang sa susunod ulit!

Para sa iba pang larawan ng Ginugunita Kita pumunta lamang sa opisyal fanpage ng AXLPowerhouse.

Comments

Popular Posts