Martin Andanar deeper discussion through Podcast.Ph
Sabi nga nila ang usapan lumalalim kung alam mo ang patutungunan at alam mo kung interesado ang taong makinig sa iyo.
Aaaminin ko na isa ako sa mga tagahanga ni Martin Andanar kung sa broadcasting lang naman ang pag-uusapan hindi dahil may tindig siya sa pagbabalita kundi ginagamit niya ang husto ang kanyang talino hindi para maging kapanipaniwala na broadcaster kundi iladlad ang mga dapat iladlad, una ko siyang nakita sa telebisyon noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo sa Unang Hirit ko pa siya nakita nun kung hindi ako nagkakamali at bigla na lamang akong nagulat noong naglilipat ako ng channel nakita ko siya sa panggabing balita, ito ang TEN: The Evening News na sobrang nagustuhan ko sapagkat hindi siya ung masyadong seryosong pagbabalita pero may laman ang mga balita at ung balita na yun na pinapalabas niya ay yung dapat na balita. Fast forward tayo nagkaunti masasabi ko na bigatin na siyang tao at kilala na ng lahat kaya naman hindi na ako magtataka pa kung may gagawin siyang pagbabago sa balita at nangyari ang nasa isip ko.
Ito ang Martin's Mancave isang bago, may laman, may lalim at higit sa lahat maraming pwedeng matutunan sa bawat usapan. Martin's Mancave ay ang isa sa masasabi kung best podcast sa Pilipinas (opo nakikinig po ako sa podcast simula ng pumatok ito sa bansang Amerika dahil sa aking mga pinsan) at isa sa mga paborito ko dito ay ang Real Ghost Hunt kung saan pinag-uusapan ang multo o kung saan nga ba maraming multo at ito ay inohost ng magandang dilag na si Ms, Deah Ricacho at syempre ang main course ng Martin's Mancave mismong si Martin kasama ang kanyang mga bisita mula sa simple tao hanggang sa kontrobersyal, isa sa mga paborito kung pakinggan sa kanyang Podcast.Ph ay ang usapan nila ni Mayor Rodrigo Duterte sapagkat hindi lamang siya basta usapan may lalim at habang nakikinig ako sa usapan nila dun ko nalaman na kung bakit nga ba ganun ang ugali ni Mayor Rodrigo Duterte.
Kaya naman laking tuwa ko noong imbitahan kami ni Martin Andanar sa kanyang Podcast.Ph para pag-usapan ang iba't-ibang mga bagay mula sa simpleng usapan na kung anung ginawa namin hanggang nagtungo sa goberyo at ang pamamalakad nito.
At habang nag-uusapan kami ng mga iba't-ibang mga bagay patungkol sa kanyang podcast sobrang akong naoverwhelm sa mga impormasyon kanilang binigay akala ko sapat na ang aking mga nalalaman yun pala hindi pa, sabi nga nila sa simpleng salita madaming nangyayari.
Isa sa mga tanung noong pagdalaw namin ay kung bakit nga ba nagtayo pa si Martin Andanar ng Podcast.Ph kung pwede naman siyang gawin ito sa radio singko o hindi kaya sa News5Everywhere.
Ang mga naging sagot ni Martin Andanar ay una niyang sinet ang podcast.ph noong August 2014, kasi noon pala gusto niyang magkaroon ng sariling radio station bago siya mag 40 ang kaso nag 40 na siya last year kaya naman ang naisip na na madali at kaya ng kanyang bulsa. Isa sa mga unang content ng Podcast.Ph ay ang Martin's Mancave nga kung saan interviewhin niya ang iba't-ibang mga personality. Sumunod naman ang Dreamscope kung saan ang host naman nito ay si Benjie Felipe tinatalakay naman nito ang mga panaginip at horoscope. Sumunod na naging content ay ang paborito ko ang Real Ghost Hunt ni Deah. Isa sa mga paborito ng makikinig ang Dear Bayaw ni Jun Sabayton kung saan tampok ang usapin sex na syempre na may halong komedya din. Tapos ung bespren/ klasmyt naman niya ung highschool mahilig sa kotse kaya naman sabi niya dito gumawa siya ng podcast kung saan tampok ang usapang kotse ayun ang pamagat ay The George Review.
Kitams sa kanya pa lang na Martin's Mancave ay dami-dami mo ng matutunan what for pa kaya sa ibang content ng Podcast.Ph
Sobrang thankful din ako sa pagdalaw ko sa studio podcast ni sir Martin sapagkat ang dami-dami kong natutunan mula sa kasaysayan ng Pilipinas, BBL, kababalaghan at iba pa, masasabi ko masaya magpodcast lalo na kung ang makakausap mo ay kapareho ninyo ng hilig.
Kaya naman wag na wag kang magpapahuli pa kinig ka na din sa Podcast.Ph.
Para sa iba pang impormasyon patungkol sa Podcast.Ph tumungo lamang sa kanilang opisyal facebook account na https://www.facebook.com/podcastph
So paano hanggang dito na lamang ako, makikinig pa ako ng ghost stories sa Real Ghost Hunt.
Martin Andanar in Martin's Mancave |
Bloggers and Team Podcast.Ph |
Kaya naman laking tuwa ko noong imbitahan kami ni Martin Andanar sa kanyang Podcast.Ph para pag-usapan ang iba't-ibang mga bagay mula sa simpleng usapan na kung anung ginawa namin hanggang nagtungo sa goberyo at ang pamamalakad nito.
At habang nag-uusapan kami ng mga iba't-ibang mga bagay patungkol sa kanyang podcast sobrang akong naoverwhelm sa mga impormasyon kanilang binigay akala ko sapat na ang aking mga nalalaman yun pala hindi pa, sabi nga nila sa simpleng salita madaming nangyayari.
Isa sa mga tanung noong pagdalaw namin ay kung bakit nga ba nagtayo pa si Martin Andanar ng Podcast.Ph kung pwede naman siyang gawin ito sa radio singko o hindi kaya sa News5Everywhere.
Podcast.ph shows |
Kitams sa kanya pa lang na Martin's Mancave ay dami-dami mo ng matutunan what for pa kaya sa ibang content ng Podcast.Ph
Sobrang thankful din ako sa pagdalaw ko sa studio podcast ni sir Martin sapagkat ang dami-dami kong natutunan mula sa kasaysayan ng Pilipinas, BBL, kababalaghan at iba pa, masasabi ko masaya magpodcast lalo na kung ang makakausap mo ay kapareho ninyo ng hilig.
Kaya naman wag na wag kang magpapahuli pa kinig ka na din sa Podcast.Ph.
Para sa iba pang impormasyon patungkol sa Podcast.Ph tumungo lamang sa kanilang opisyal facebook account na https://www.facebook.com/podcastph
So paano hanggang dito na lamang ako, makikinig pa ako ng ghost stories sa Real Ghost Hunt.
Bilib ako sa mga newscaster ng TV5. Matatapang at maanghang kung tumirada. Kasama na si Andanar dito. Kaya minsan mas OK pang manood ng TV5 news kesa sa newscast ng ibang station.
ReplyDeleteAside from GMA News and Public Affairs... bet ko rin and newsteam ng TV5.. Not into Network war huh but I find them more reliable talaga compare to the newsteam of ABS ... just saying
ReplyDelete