Disneyland in the Philippines? By SM Group and Walt Disney Collaboration
Bakit ko nga na nasabi ang mga bagay na ito o sinusulat ang bagay na ito? Magiging realidad ba o matutupad ba ang mga ito kung sakali man, masasabi kong pwede o depende sa iyo kung paano mo titingnan ang isang bagay lalo't alam naman natin na hindi madaling pumunta sa ibang bansa kung wala kang sapat na salapi, hindi ba?
The Main Character of Walt Disney |
Kaya naman gumawa ng paraan ang isa sa pinakamalawak at malaking mall chain sa Pilipinas ang SM Group kung saan noong martes lamang ay nagkaroon na ang opisyal na partnership ang SM Group at Walt Disney Company - Southeast Asia kung saan dadalhin ng SM Group ang lahat ng Disney brand sa Pilipinas at hindi lamang yun sapagkat magkakaroon ng ilang piling lugar sa SM Malls ng exclusive items ng mga Disney merchandise.
SM Group X Walt Disney Company |
Sabi nga ni says Edgar Tejerero, president of SM Lifestyle Entertainment, Inc, "We are thrilled to be associated with the iconic Walt Disney Company. Mr. Henry Sy Sr. envisioned and purposed a second home for Filipinos across the nation where they can create memorable bonding activities with their families through amusement facilities, retail centers, and food establishments, all found in one mall,” Dagdag pa niya “65 years later, and with 52 malls across the Philippines, it had just been high time that SM forged an official collaboration with the best family entertainment company in the world.”
Hans Sy of SM Group and Paul Canland of Walt Disney Company-Asia |
At sabi naman ni Rob Gilby ang Managing Director ng The Walt Disney Company Southeast Asia, “Every day, we make millions of Filipinos laugh and smile with our stories and characters from Disney, Marvel, Pixar and Star Wars. We have worked with the various arms of SM group over the years and today we are delighted to announce our collaboration on a comprehensive plan to create magical moments and memories that will last a lifetime for fans across the Philippines,”
So ang ibig sabihin lamang nito ay maeexperience mo na ang ang magic ng Disney sa pamamagitan ng SM at panigurado naman yun sapagkat alam naman natin na ang SM ay isa sa mga naging ikalawa tahanan na ng mga pamilyang Pilipino lalo na tuwing linggo kung saan pagkatapos ng misa ay dito na sila didiretso, hindi ba?
Hans Sy with the family and walt Disney characters |
Isa sa mga magiging exciting part ng collaboration na ito ay ang pagdating ng Star Wars, oo Star Wars Galactic Christmas, para sa ito sa opisyal na jumpstart ng SM at Disney, maliban pa dito ipapakita din sa Star Wars Galactic Christmas ay latest installment ng "Star Wars : The Force Awakens." kung saan magkakaroon ng exhibit that will include life-size figurines of characters from the movie, interactive games, and official merchandise from the SM Store and Toy Kingdom.
Kaya naman super exciting lalo na kung isa ka sa mga tagahanga ng Star Wars hindi ba?
Kaya abangan mo ang Star Wars : The Force Awakens sa piling SM Supermalls.
Nagkaroon ako ng pagkakataon kasama ang aking intervier na si Evo para makunan ng pahayag si Mr, Hans Sy patungkol sa collaboration na ito sa Walt Disney Company.
Narito ang kanyang naging pahayag patungkol sa bagay na iyan.
Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment