The Theatre at Soliare : The New and Modern Theater House in the Metro

"The word theatre comes from the Greeks. It means the seeing place. It is the place people come to see the truth about life and the social situation. - Stella Adler"

Sino nga ba ang hindi na inlove sa ganda ng isang bagong gawa at modernong teatro ngayon ng Solaire Hotel and Casino na nagbukas noong Nobyembre 26, 2014 kung saan nasilayan ng ilang mga kilalang tao sa lipunan mula sa mundo ng tearto, politika, negosyante at syempre ang mga tumatangkilik ng Solaire Hotel and Casino.

Anung meron sa The Theatre at Soliare na wala sa ibang theatre house sa Manila?
  • 1,760 seats capacity
  • impressive acoustics
  • impressive lightings
  • a custom-designed seating
  • Constellation Acoustic System (the whole theater can easily change its acoustic settings with just a push of a button)
Kaya naman di na ako magtataka pa kung bakit siya magiging bagong atraksyon ng Solaire Hotel and Casino.

Narito ang ilan sa mga larawan naganap noong buksan ito sa unang pagkakataon.

Ipinakilala ni Audie Gemora ang bago at modernong Theatre at Soliare sa madla.
Siya rin ang bagong Solaire Entertainment Director ng Theater Solaire.

ABS-CBN Philharmonic Orchestra, under the baton of the great director and the conductor Gerard Salongo, set the first appearance in the Solaire Stage.
The classic operatic numbers from the Philippine Opera Company with Myramae Meneses, Karla Gutierrez and Camille Lopez Molina.
 The Prima Ballerina Lisa Macuja-Elizalde and members of the Ballet Manila doing some excerpt from the famouse Sleeping Beauty.
The best among the best original musical stage play in the metro showcased some excerpt from Stageshow; Karylle, Rama Hari; Myke Salomon, Magsimula Ka; Aicelle Santos, Rak of Aegis, and ofcourse the one and only Isay Alvarez from Katy.
OPM Medley with Morissette Amon, Christian Bautista and Yeng Constantino.
Martin Nievera awesome song number
Production number with Sam Concepcion
Regine Tolentino Ballroom production number 
Ang inaabangan ng lahat ng tao ang nag-iisang Lea Salonga kung saan kinanta niya ang ilan sa mga di makakalimutang mga kanta na kanyang ipinasikat mula sa broadway katulad na lamang ng “Memory” mula sa the musical Cats; I Dreamed a Dream at On My Own mula sa Les Misérables. At nagpatikim din siya ng ilang kanta mula sa Wicked na For Good at Defying Gravity.

Lea Salonga sing On My Own.
Kaya naman noong natapos ang kanyang pagkanta lahat ng audience ay tumayo at nagbigay pugay sa kanyang aking galing, ika nga nila Lea Salonga si Lea Salonga, syempre salamat din sa Theatre at Soliare dahil sa ganda ng acoustics wall nito.

Isa sa mga nabest part ng show ay ang pagkanta ni Lea Salonga ng theme song ng Solaire Hotel and Casino ang Brighter than the Sun.

Tumagal ang palabas ng mahigit dalawang oras at masasabi kung WOW na WOW ang dating sapagkat para ka na nanood ng iba't-ibang theatre production sa isang thearte house.

Congrats sa Solaire Hotel and Casino sa kanilang bagong atraksyon para sa mga tagapagkilik nito.

Para sa iba pang impormasyon tumawag lamang sa 888-8888 o di kaya naman ay bisitahin ang kanilang opisyal na website http://solaireresort.com/enjoy/theatre/. 

Credit:
Erickson Dela Cruz for Theatre at Soliare photos.

Comments

Popular Posts