Quickie Review : PETA Theater Present's Rak Of Aegis
"Heto ako, basang-basa sa ulan, Walang masisilungan, walang malalapitan,Sana'y may luha pa, akong mailuluha, At ng mabawasan ang aking kalungkutan...." Sinu nga ba ang di nakakaalam sa kantang yan marahil lahat ata ng mga Pinoy alam na alam lalo't pa isa to sa mga paboritong kantahin sa mga videokehan, hindi ba? At marahil dahil na rin sa kasikatan ng kantang ito at ng kumanta ay nagkaroon ng isang musical play para dito, ito'y walang iba kundi ang Rak Of Aegis kung saan tampok ang ilan sa mga beteranong mga actor sa entablado katulad nina Isay Alvarez, Robert Sena, Kim Molina, Pepe Herrera, Kakai Bautista at marami pang iba.
Anu nga ba ang kwento sa likod ng Rak Of Aegis?
Isang kwento base na rin sa pangyayari sa paligid natin, oo sa paligid natin sapagkat nakuha nila ang kwento ito ng pumunta ang grupo ng PETA sa nasalanta ng bagyong noon, kaya naman naisip ng PETA bakit hindi nila ito gawan ng isang kwento na maari magbigay ng inspiration para sa lahat ng Pilipinong manonood ng kanilang mga palabas. Kaya boom nabuo ang Rak of Aegis.
Sa mga nakapanood na marahil nakarelate ang ilan sa atin habang pinapanood ito sapagkat ang bawat karakter sa kwento ay sumisimbolo ng isang karakter sa iyong pagkatao lalo na yung karakter ni Aileen kung saan ginagampanan ni Kim Molina, sapagkat ang isa sa mga pangarap ni Aileen ay sumikat sa pamamagitan ng social media network na youtube kung saan gagawa siya ng isang music video at doon ay kakalat ito, sisikat katulad na lamang ng nagyari sa isang sikat na artista ngayun, dahil gusto ni Aileen ay madiskuber din siya ni Ellen DeGenere at pag nangyari iyon ay maihahahon na niya ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Piling Eksena sa Teatro:
Pepe Herrera bilang Tolits |
Kakai Bautista bilang Mercy |
Paboritong Eksena :
Isa sa mga naging paborito kung eksena dito sa Rak Of Aegis ay ang paggawa ng music video ni Aileen kasama si Tolits sapagkat dito ipinakita na kahit anung hirap iyong gagawin para lamang sa iyong pamilya kahit na madaming nagsasabi na wala mararating ang iyong ginawa basta pagtiwala ka lamang.
Isa pa sa mga naging paborito ko ay ang paghahanap ng solusyon sa baha sa kanilang lugar, alam naman nating lahat na ang baha ay isa sa mga mahirap na kalaban pero kung mag-iisip ka ng paraan kung paano nga ba dapat mawala ang baha at sinu nga ba ang dapat sisihin patungkol sa nangyari ito.
Mga Piling Ganap sa Rak Of Aegis
Kaya naman di na ako magtataka pa kung bakit nagrerun ang Rak Of Aegis dahil sa ganda ng kanilang tema at paggawa o pagtahi ng mga kwento, di lamang ito kwento ng isang mahirap na nangarap kundi kwento din ito nating lahat kung saan binabahagi nila ang kanilang mga karanasan sa paligid, kalikasan, pag-ibig at pagkatao.
Theater Rating : 8.9/10
Kudos sa PETA Theater sa mahusay na pagkakagawa!
Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI.
Watch the last leg of this fabulous musical this week,starting today Wednesday. Show dates and time are as follow:
Wednesday, December 10, 2014 8:00 P.M.
Thursday, December 11, 2014 8:00 P.M.
Friday, December 12, 2014 8:00 P.M.
Saturday, December 13, 2014 3:00 P.M. and 8:00 P.M.
Sunday, December 14, 2014 3:00 P.M. and 8:00 P.M.
PETA Theater is located at #5 Eymard Drive, New Manila, Quezon City.
Kaya kung ako sa iyo wag na wag mo itong papalagpasin kung hindi naku namiss mo ang kalahati ng buhay mo!
Tara na nood na magrak en rok na sa Rak of Aegis!
Comments
Post a Comment