Not just an ordinary 2014

(c)http://paysimple.com
Malayo na rin ang narating nating lahat nagsimua lamang tao sa mga simpleng hi, kamusta? anung balita? Ngunit ngayon iba na tayo, yung tipong akala mo ay magkakilala na tayo ng lubusan dahil sa araw-araw natin pag-uusap ng mga kung anu-anung mga bagay mula sa mga kwentong pumapagibig, kabiguan, kasiyahan o maski ang mala primetime-bida na kwento na akala mo wala ng bukas na darating sa atin.

Oh siya baka kung saan na ito mapunta, tara simulan ko na ang isang quickie na kwento para sa 2014.



Sabi nga nila walang silbi ang isang kwento kung walang mga pagsubok na darating sa iyong buhay pero kahit ganun pa man ang mga nangyari nagpapasalamat ako sa mga naging parte ng aking malawak, magulo at masayang 2014.

Una nagpapasalamat ako kay Bathala na kanyang mga walang sawang mga biyaya maliit man ito o malaki sapagkat kahit anung sabihin mo ay biyaya pa rin ito.

Sa aking munting grupo na Powerhouse Clique na di ko inaasahan na magiging mas masaya at makulit lalo't pa ngayon na nadagdagan na naman tayo ng panibagong membro at siguro akong mas magiging masaya ang ating 2015.

Sa Powerhouse G5 salamat sa inyo ang dami kong natutunan na bagay mula sa mundo ng photography di man akong kasing galing ninyo sa larangan na ito.

Sa Kapitbahayan sa Kalye-Bautista (KKB) salamat sa walang humpay na tawanan sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa aming lahat at naging matatag pa rin tayo lalo na ngayon na nagiging maganda na ang takbo ng ating samahan nawa'y magtuloy-tuloy ito, alalahanin natin na walang permanente sa mundo kung may aalis man sigurado naman ako na may dadating na mas mainam kumpara sa dati.

Sa Heritage Lakwatsero sana mas madami pang gala sa taong 2015 at mas madami pang madiscover na lugar.

Sa Heritage Conservation Society Youth salamat sa samahan na di ko akalain na magiging masaya kahit na paminsan-minsan ay di ako nakakadalo sa mga pulong dala ng mga gawain mundo ng SMT.

Sa mga kaibigan ko sa mundo ng social media maraming salamat sa inyo sapagkat kung di dahil sa inyo di ko malalaman kung anu nga ba talaga ang kahalagahan ng social media sa ating buhay at kung gaano ito pinapahalagahan ng mga tao sa iyong paligid ika nga nila "Think Before You Click".

Sa mga nakilala ko sa taong ito di ko na kayo isa-isahin baka may makalimutan pa ako at magalit sa akin. Basta alam ninyo na yun! Salamat sa lahat ng tulog!

So paano hanggang dito na lamang ang lahat!

Sa susunod na paglalakbay sa 2015 nawa'y mas maging roller coaster pa ang buhay nating lahat!

Bathala na wa!

Comments

Popular Posts