English Only Please (film) | Blogcon

Isa sa mga dapat abangan sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2014 ang pelikulang "English Only Please" kung saan pinagbibidahan ng dalawang magagaling na artista ng generasyon ngayon na sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsey.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama ang dalawang bigating artista ng dalawang network sa big screen kung saan lutang na lutang ang kanilang chemistry sa pelikula na lalo pang pinatingkad pa sa husay at talento nila sa pagpapatawa. Ito din ang kauna-unahang com-rom ng dalawang artista.

Anu nga ba ang kwento ng English Only Please?

Ang kwento ng English Only Please ay patungkol sa isang Fil-Am na si Julian Parker (Derek Ramsey) na lumipad patungong Maynila galing New York upang pagbutihan ang pag-aaral ng Filipino. Magpapaturo siya ng Filipino sa tulong ng isang mataray na Filipino-English tutor online for hire. Gusto ipamukha nu Julian sa kanyang half-Pinay na ex-girlfriend (Isabel Oli) ang galing niya sa Filipino kapag sinabi niyang sa dating nobya ang translation ng galit niya sa ginawang sulat para sa kanya.

Sa mabagsik pero napakahusay na Filipino_English tutor na si Tere Madlansacay (Jennylyn Mercado) bumagsak si Julian. Proud siya sa achievement niyang nakapagturo ng Filipino sa iba't-ibang lahi ng English o Filipino sa mga Amerikano, Fil-Ams at Koreano.

Nagbago ang pananaw sa buahy ni Tere nang magkita sila ni Julian. Isan artistahing lalaki na gusto gantihan ang dating girlfriend na nagwasak sa kanyang puso. Pero ang simpleng teacher-student relatonship ay nabahiran ng pagkakaibigan ng hilingan si Tere ni Julian na tulungan siyang hanapin ang dating girlfriend nito.

Hanggang sa naramdaman nila ang damdaming nangyayari na lang at hindi na kailangan i-translate- ang pag-ibig.

English Only Please Official Trailer


Di ba? Sa plot pa lamang ng English Only Please  interesante na paano pa kaya kung mapanood natin ito sa darating na Metro Manila Film Festival 2014. Isa pa ang English Only Please lamang ang nag-iisang entry ng MMFF2014 na rom-com.

Eksena :  English Only Please BlogCon


Sweet moment of Cai and Jennylyn before the blogcon start.
May pustahan kami a pelikulang ito eh, di naman pwedeng sabihin basta masaya.
Ako yung bestfriend as Mallow dito ni Tere na maraming boys, di lang basta-basta boys kundi yummy boys. - Cai Cortez 
It's fun to actually do Romantic Comedies because it's a good feeling to be in-love. Hindi ba?  That feeling is insurmountable. - Direk Dan
Yung mga eksena ko dito, hindi basta-basta sapagkat more on girls, mga motels mga ganun kaya naman dapat abangan ninyo kung sinu-sino sila. - Kean
Makakasama din nila sina Kean Cipriano, Isabel Oli, Isabel Frial, at Cai Cortex.

Ang English Only Please ay mula sa direksyon ni Dan Villegas at mula sa produksyon ng Quantum Films.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na facebook fanpage ng AXLLPI

Comments

Popular Posts