Quickie Review : Tanghalang Pilipino's Prinsipe Munti

Prinsipe Munti masasabi kung masaya, malungkot at maraming masarap balikan sa bawat eksena habang pinapanood mo ang Prinsipe Munti, marahil siguro nakikita ko ang sarili ko sa Prinsipe Munti kung saan hinahanap niya kung anu nga ba ang tunay na kaibigan, kahalahagan ng isang tao o bagay o maging ang hayop sa paligid nito.




Sa mga di nakakaalam ang Prinsipe Muntiay mula sa sikat na librong "The Little Prince" ni Antoine de Saint-Exupery  marahil siguro naging pamilyar na sa inyong ang "The Little Prince" di ba? Ika nga nila hindi ka naging bata kung hindi mo nalaman ang kwento nito.


Apatnapung ulit kong naranasan ang kalungkutan kaya't apatnapung ulit ko ring pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Ilan sa mga nagustuhan kung eksena sa Prinsipe Munti ay ang simula pa lamang kung saan ipinapakita ni Prinsipe Munti ang kahalagahan ng pulang rosas sa kanyang planeta kahit na alam naman niya na binobola lamang siya nito. Ang isa sa mga linyang maaring tumatak din sa manonood ay ang "Apatnapung ulit kong naranasan ang kalungkutan kaya't apatnapung ulit ko ring pinagmamasdan ang paglubog ng araw" hugot kung hugot ang linya na yan. Kung titignan mo naman mabuti wala naman kakaiba sa paglubog ng araw hindi ba? Ngunit kung titignan mo ito o tamang sabihin na isipin ng malamin, isa ang paglubog ng araw sa magandang gawin sapagkat nakakaalis ito ng stress lalo na kung ang trabaho mo ay talaga naman nakakapagod.


Prinsipe Munti at ang Alamid
Ito pa ang isang eksena na nagustuhan kung saan napunta si Prinsipe Munti sa mundo ni Alamid. Si Alamid ang nagturo kung anu nga ba ang tunay na kahalagahan ng isang kaibigan at ang kahalagahan ng mabuting gawain.  Isa sa mga linyang sinabi ni Alamid ay ang "Ano ang nais makamtan? Nasa puso ang kasagutan.Nasa puso ang sagot kung pakikinggan: Ang mahalin at magmahal", totoo naman hindi ba?

Usapang Galaw Teatro

Micko Laurente : Ilang beses ko na nga ba napanood ang batang ito sa entablado? Tatlo, apat, lima di ko na mabilang marahil dahil mahilig talaga ako sa teatro, oo aaminin ko na sa bawat labas niya sa entablado ay magaling siya ng magaling kumbaga magaling na siya sa kanyang upang ganap sa nakaraang produksyon ng Tanghalang Pilipino : Kleptomaniacs pero ang higit na nagbigay ng ningning sa eksena sa Prinsipe Munti ay kung saan nag-usap sila nina Alamid at piloto.

Jonathan Tadioan : Bilang Alamid, di ko alam kung maiiyak ako sa eksena sapagkat ipinakita sa eskena na ang magkakaibigan ay pinupundar ng tiwala at pagkakaisa, di lamang basta-basta na sa isang pitik na lamang ay kaibigan. Bilang isang aktor napakaversatile talaga ni Jonathan, di ko alam kung saan niya nakukuha ang galing niya sa bawat paglabas niya sa entablado pero mahusay talaga siya.

Regina de Vera : Bilang Rosas, perpektong karakter bilang rosas. Sino nga ba ang di mabibighani sa ganda ni Regina sa labas man o panloob nito. Isa sa mga masasabi kung versatile din pagdating sa aktingan. Makailang beses ko na din siyang napanood sa entablado pero hanggang sa ngaun ay nabibighani pa rin ako sa kanyang angking ganda nito. Kaya naman no doubt kung bakit siya ang napili bilang rosas.

Muli congrats sa bumubuo ng Tanghalang Pilipino para sa isa naman makabuluhang pagtatanghal. Congrats din kay Director Tuxqs Rutaquio para magandang pagkakagawa at pagkakadirek nito.

Theater Rating : 8.9/10

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa Tanghalang Pilipino's Prinsipe Munti tumungo lamang sa kanilang opisyan na Social Media Network

Website: www.tanghalangpilipino.com
Twitter: http://twitter.com/TanghalangPil

Comments

Popular Posts