Icon The Concert Experience

Sabi nga nila sa bawat pagtatanghal sa isang malaking entablado lalo na sa entablado ng Areneta Colisuem ay isang malaking achievement na ng isang artist sapagkat alam naman nating lahat na bibihira lamang ang binibigyan ng pagkakataon para makapagtanghal dito hindi ba?

Kaya naman laking tuwa ko noong nakatanggap ako ng isang imbitasyon upang panoorin ang isa sa inaabangan concert sa Araneta Coliseum ang #IconTheConcert kung saan tampok ang mga sikat na mang-aawit ng OPM na sina Pop Rock Princess Yeng Constantino, Master of Modern Rap Gloc-9 at Rock Royalty Rico Blanco.

Syempre sinu ba naman ang hindi matutuwa kung makikita mo ng personal ang ilan sa mga magiging Icon ng OPM hindi ba? At isa minsan lamang magsama-sama ang may mga ganitong pangalan sa industriya ng musika ng Pilipinas, hindi ba?


Sa simula ng concert isang pasabog kaagad ang binigay ng tatlo kung saan kinanta nila ang kani-kanilang mga awit na may mash-up version katulad na lamang ng Antukin, Time In at Sirena. Wow na wow ang dating ng mash-up nila sapagkat maganda ang alegro at bigla ko naalala ang mga ilang mga alaala ng nakaraan kung saan sa bawat sulok ata ng lugar na mapupuntahan mo dati ay makikinig mo ang lahat ng awitin nila.


Yeng Constatino sing all her hit song entitled Jeepney Love Story, Pag-ibig, Chinito and Ikaw.

Gloc 9 at Rico Blanco sing Magda. Ay grabe lang yung inawit nila ito lahat ng audience nakisabay din sa kanila kaya naman di ako nagtataka pa kung bakit nag-hit ang Magda sapagkat di lamang siya isang awit may hugot din ito.

Yeng at Gloc-9 inawit ang isa sa mga hit song ni Gloc-9 ang Takipsilim kung saan ang orihinal na kasama nia Gloc-9 ay si Regine V. pero maganda rin ang timbre ni Yeng.

Gloc-9 inawit ang Lando.

Yung inutugtog pa lamang ang instrumental part ng Lando isa kaagad ang pumasok sa isip ko ang great master rapper na si Francis M. sapagkat iba ang kombinasyon ng dalawa at kung nakikinig ka talaga sa mga musika ni Gloc-9 malalaman mo na di lamang isang ordinaryong kwento ang bumabalot kay Lando kung patungkol ito sa isang kahirapan sa paligid at ang mga tao sa kahirapan.

Ang eksena na din na ito ay isang mash-up kung saan may bigla pumasok na ingles sa kanta na Heartless at ang isa pang tagalog na awitin na Upuan.

At syempre di mawawala ang ilan sa mga naging hits ni Francis M kung saan isa siya sa mga Icon ni Gloc-9. Ilan sa mga kinanta niya ay ang  Meron Akong Ano, Man From Manila at Kaleidoscope World.

Ay syempre di rin papaawat ang nag-iisang Rock Royalty Rico Blanco inawit din niya ang kanyang mga sikat na kanta kabilang na dito ang Posible, Awit Ng Kabataan, at Liwanag Sa Dilim. Its bring me back the memories during my highschool days, sino bang hindi, hindi ba? Kaya sa bawat awitin ni Rico nakisabay, nakiindak sa kanya mga kanta.

Sa ikalawang set naman kinanya ni Rico ang Your Universe, 214, at You’ll Be Safe Here kung saan sumabay ang mga audience sa bawat kanta niya.

At sa pagtatapos ng Icon The Concert ay kinanta nila ang nagbibigay ng saya at indak sa lahat ng nanood ng kanilang concert, ito ay ang Salamat, Yugto at Sumayaw Ka.

At isang pasabog na confetti na sinabayan ng mga kantang Panahon at Hawak Kamay.

Thats was an awesome and wonderful night! Yan ang nasabi ko pagkatapos kung panoorin ang tatlong bigating Icon ng musikang Pilipino. Masasabi ko din buhay pa rin ang OPM dahil sa kanilang mga sinusulat na awitin para sa bayan.

Syempre magpapasalamat ako sa Cornerstone Talent Management Center sa pag-imbita sa amin upang saksihan ang magandang event na ito at syempre kay angsawariko.com.

Ginanap ang Icon the Concert sa Araneta Colisem noong Nobyembre 21, 2014.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na facebook fanpage ng AXLLPI

Comments

Popular Posts