My PeakForm Experience

Sabi nga nila di sapat ang isang takbo, lakad o isang simple routine para masabi mong healthy ka, hindi ba?
Sapagkat dapat alam mo din kung anu nga ba dapat ang tamang galaw mo sa bawat exercise mo, dahil may mga bagay na di mo alam na mali pala ang pagkakaayos nito.


Kaya naman naisipan ko bigla na pumunta na lamang sa isang lugar na medyo di masyadong tao at alam mo na kaya kang tutukan ng magiging trainer mo dahil mag one-on-one kayong dalawa at ito naman talaga ang gusto ko sapagkat malalaman mo kung anu nga ba ang mga bagay o mga exercise na kaya mong gawin di ba?

Bago ko makalimutan at baka mawala sa aking isipan ang bagay na ito, saan lugar nga ba ako nagpunta at bakit dito pa ako pumunta gayong madami naman lugar na pwede akong mag-exercise, andiyan naman ang bakal gym at ang sosyalin gym.

Sa PeakForm lang naman ako nagpunta at talaga naman dinayo ko pa ito upang malaman kung anu nga ba ang pwede nilang ibigay sa akin at kung maganda nga ba ang mga serbisyo nila.

Isa sa mga routine
Ayon sa nabasa kung impormasyon patungkol sa PeakForm, ang Peak Form Physical Therapy is a leader in outpatient physical therapy and orthopedic rehabilitation for patients in and around the Colorado Front Range area. So ang ibig ipahiwatig lamang nito ay kung nagkaroon ka ng isang injury at yung pakiramdam mo ay parang di mo na alam ang gagawin mo sapagkat nawawalan ka na ng pag-asa kung makakabalik ka pa nga ba sa iyong paboritong sports, ang sagot diyan ay malaking OO! Sapagkat ang PeakForm ay isa sa mga paraan upang muling paibalik ang dapat at manumbalik ka sa dati mong gawi sa sport.

Pero dahil hindi naman ako nainjury ay ibang exercise ang ibinigay nila sa akin at akala ko simple exercise lamang ito sapagkat noong tinitignan ko siya ay parang ang dali-dali naman gawin, pero noong ako na ayun wapak! Isang malaking WHAT THE...  

Pero sabi nga nila kung di mo susubukan ang isang bagay paano mo malalaman kung hanggang saan ang iyong kakayanan, hindi ba? Kaya naman kahit sa isip-isip ko na mahirap kakayanin mo para saan pa at nagpunta ako dito kung di ko naman gagawin ang bagay na iyon.

Rip:60
At dahil masunurin akong bata ay ginawa ko ang lahat ng mga routine gamit ang RIP:60. Sa mga di nakakaalam kung anu ang rip60 ay isang paraan ng pagwowork kung saan ang ang weight mo ang gagamitin para makapag-excercise ka, hindi mo kailangan ng mga bakal-bakal, kumbaga ikaw mismo ang gagawa ng paraan para malaman mo kung hanggang saan mo kakayanin sapagkat katawan mo ang kalaban mo dito.

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan na mga routine na ginawa ko sa PeakForm.



Nagtagal din ang routine namin ng 40-50 mins kasama na dito ang kaunting pahinga kada tapos ng isang routine at isang malaking juice colored sapagkat kahit sabihin mong 10-15 mins lang ang kada routine namin, naman tagaktak na ang pawis ko, naubos lahat ng lakas na dala-dala ko bago pumasok ng PeakForm at si kuya talaga push kung push pero sulit naman sapagkat alam ni kuya kung hanggang saan ang aking limitasyon. Di lamang yun mararamdaman mo kaagad ang ginawa mong routine sapagkat yung mga muscles mo sa katawan umaaray at nagsasabi anu ba itong pinasukan ko, hahaha...

Pero sa huli nag-enjoy talaga ako sa mga ginawa kung routine at natuwa ako sapagkat kakaibang karanasan na naman ang aking nasubukan, ika nga nila YOLO You Only Live Once, kaya hanggang nabubuhay ka pa gawin mo na ang lahat-lahat ay malay mo bukas, hindi mo na pwedeng gawin ang mga dapat gawin!

Kaya ikaw na nagbabasa nito, bakit hindi mo ito subukan malay mo ito na pala ang hinahanap mong exercise na makakatulong sa iyo, ang RIP:60.

Para sa iba pang mga detalye sa bagay na ito maari ninyo silang puntahan sa Unit 807, The Infinity Building, 26th St., Bonifacio Global City.  Or call 478-9408 or 0916-353-4485 to make an appointment.

Meron din silang social media account. Facebook : https://www.facebook.com/peakformmanila , Twitter : https://twitter.com/peakformmanila at Instagram : http://instagram.com/peakformmanila

So paano hanggang sa susunod na lang ulit mga kablog! Sana next time kasama naman kita sa mga kakaibang mga adventure ko!

Comments

Popular Posts