Quickie Review : Repertory Philippines Present : Scrooge the musical
Sabi nga nila ang pasko ay araw ng kasiyahan, bigayan, pagmamahalan at maging bukas palad sa mga taong nangangailangan hindi ba?
Isa sa mga bagong offering ng Repertory Philippines ngayon ay ang Scrooge the musical, ang Scrooge the musical ay nagmula sa isang maikling kwento na isinulat ni Charles Dickens na pinakapamagatan na A Christmas Carol.
Anu nga ba ang kwento ng Scrooge the musical?
Ayun sa aking pagkakaintindi na rin habang ako'y nanonood ay kwento ito ni Ebenezer Scrooge na kung saan hindi siya na niniwala sa prensensya ng pasko sapagkat para sa kanya ang Pasko ay isa lamang ordinaryong araw na dumadaan sa kanyang buhay.
Ngunit subalit bago sumapit ang takdang araw ng kapaskuhan ay may isang makakakilabot na nagyari kay Ebenezer Scrooge, dahil dinalaw siya ng dalawang importanteng tao sa kanyang buhay na si Jacob Marley (ang multo ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap).
Dito binalikan nila kung anu nga ba ang dahilan kung bakit naging ordinaryong araw na lang ba ang Pasko para kay Ebenezer Scrooge.
Ipinakita din sa dulang ito na di lamang tuwing pasko tayo dapat maging masaya, mapagbigay at maging bukas palad dapata araw-araw sapagkat alam naman natin na kung anu ang ginawa mo sa iyong kapwa ay siya rin ang magiging balik nito sa ito na maari din nating sabihin na mas magiging doble pa nga di ba?
Usapang Galaw Teatro
Pagnarinig mo ang Repertory Philippines isa lamang ang kaagad pumapasok sa aking isipan, sigurado na ako na maganda ang stage nila at sa damit panalo. Di nga ako nagkamali sapagkat pagbukas pa lamang ng telon ay nabighani na ako sa ganda ng entablado nila animo'y dinala rin nila ang aking imahenasyon sa isang libro kung saan nakikita mo ang sarili mo doon mismo.
Patungkol naman sa mga gumanap marahil di ko na kailangan isa-isahin sapagkat ang dami nila doon.
Paboritong Eksena
Isa sa mga naging paborito kung eksena dito ay ang paglitaw ng multo ng nakaraan at ang magiging mabait muli ni Ebenezer Scrooge, bakit ko naging paborito iyon? Siguro dumating din sa akin punto na bakit nga ba ako kailangan pagdiwang sa pasko kung tutuusin naman normal na araw lamang ito ngunit kung titignan mo ito ng malalim at pag-iisipang mabuti ay di lamang ito ordinaryong araw. Sapagkat araw ito ng pagdating ng isang anghel sa langit.
Theater Rating : 7.9/10
Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI
SCROOGE THE MUSICAL runs from November 21 to December 14 at Onstage, 2/F, Greenbelt 1, Paseo de Roxas cor. Legazpi St., Makati City. For details contact Repertory Philippines at 843-3570 and 451-1474 or e-mail shows at repertoryphilippines.com. Tickets are available through Ticketworld at 891-9999, or via Ticketworld
Connect to Repertory Philippines online through the following social media networks:
Facebook : www.facebook.com/repertoryphilippines
Twitter : www.twitter.com/repphils
Instagram : www.instagram.com/repphils
YouTube : www.youtube.com/repphils
Comments
Post a Comment