Mangan Ta Na : Simplé Lang at the Ayala Triangle Garden, Makati City

Time-out muna tayo sa mga showbiz na balita at magpahinga naman tayo dahil alam naman natin na magulo ito at maraming mga kwento na di dapat ikwento sa madla kaya naman ay solusyon diyan ay ang pagfoodtrip!!

Syempre kung kakain ka doon ka na sa alam mo na swak sa bulsa mo lalo na ngaun na ang taas ng mga bilihan di ba? Kaya naman ito na ang pagkakataon para magchill-out muna at iwanan panandalian ang mundo ng entertainment at kumain ng kumain.

Isa sa mga bago sa paningin ko na restaurant sa Makati ay ang Simple Lang, oo simple lang ang pangalan ng restaurant na ito, noong una akala ko kung anu yung Simple Lang, ayun pala isa pala siyang restaurant sa isang malaking syudad sa Makati at nasa may bandang Ayala Triangle Garden siya mismo.

Anu nga ba ang cuisine ng Simple Lang?

Base na rin sa lugar at ambiance ng Simple lang ay alam mo na kaagad kung anu ang cuisine nila, syempre anu pa nga ba kungdi ang traditional Filipino food. Kaya naman di ka na kailangan pa na mag-isip kung masarap ba dito sa Simple Lang sapagkat Pinoy Food eh, maliban pa dito favorite color ko pa ang napili nila at ito'y kulay pula na ang ibig ipahiwatig sa Chinese ay lucky  di ba?

Tara simulan na nating kumain sa Simple Lang.

Chicken Binakol in a Buko Php295.00
What's inside the Chicken Binakol in a Buko? Buko shreds, sili tops, sayote, tanglad.

Panalo yung lasa ng binakol aside sa malasa yung buko niya masarap pa yung kulay nila sapagkat alam mo kaagad na fresh ito dahil di lanta yung lasa.

Fried Chicken Pandan Php230.00
Gusto ko yung crispyness nito at di siya masebo.

Sinigang na Crispy Bagnet sa Watermelon Php395
Isa to sa mga naging patok sa panlasa ko dahil noong huling tikim ko nito ay nasa Batangas pa ata ako, di lamang yun iba kasi yung lasa niya, di siya yung tipikal na sinigang lamang sapagkat meron itong watermelon.
Kungbaga combination siya ng maasim at matamis.

Dessert Time

Buko Pandan
Mango Madness Crush Php175.00(4 kinds: fresh mango, ice cream, custard and puree with sago)
Simple Lang Halo-Halo Php175

Turon Bites Php95 (Saba, toasted sesame and condensed milk)
At pagkatapos ng isang mahabang araw busog na busog ako sapagkat narelas ang isip at katawan ko sa mga kinain ko dito at syempre salamat kay sir Christian Lizardo Aligo sapagkat kung di naman dahil sa kanya at di ko rin naman matitikman ang lahat ng pagkain sa Simple Lang.

Bago matapos ito papakita ko kung anu itsura ng Simple Lang sa loob nito.

the couch 
Interiror Side
So conyo here!!
Exterior Side 
Ang Simple Lang ay araw-araw mula 10 ng umaga hanggang 10 ng gabi at kung may katanungan kayo sa Simple Lang tumawag lamang kayo sa  (02) 621-6161, (02) 621-61-62.

So anu pa hinihintay ninyo Mangan Ta Tamu at tikman ang sariling atin sa Simple Lang.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na facebook fanpage ng AXLLPI

Comments

  1. kakaiba ang sinigang sa watermelon nyahaha! sweet na maasim???

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts