Quickie Review : Ballet Philippines Present's Cinderella

Sinu nga ba sa atin ang di nakakaalam ng kwento ng Cinderella? I'm sure lahat naman sa atin alm kung anu ang kwento nito, hindi ba? Lalong-lalo na sa isang eksena kung saan naiwan ni Cinderella ang kanyang salaming sapatos sa palasyo ng kanyang Prince Charming.



Noong una di ako alam kung magiging exciting ba ako o mas matutuwa teka parehas lang naman ang ibigsabihin yun di ba? Ah basta ayun na yun sapagkat ito ang kauna-unahan kung pagkakataon para panoorin ang  Ballet Philippines' Cinderella kung saan tampok ang ilan primera balerina ng Ballet Philippines na sina Denise Parungao at Monica Amanda Gana bilang Cinderella. Jean Marc Cordero at Richardson Yadao bilang Prince Charming. Madame Isabelle Garachon, wife of the French Ambassador to the Philippines and former professional dancer bilang stepmother, alternating with Ballet Philippines President Margie Moran Floirendo.

Eksena sa Teatro:


Isa sa mga masasabi ko nagbigay ng highlight ng  Ballet Philippines' Cinderella ay ang step mother at ang mga stepsister ni Cinderella marhil kung hindi dahil sa kanila medyo patay ng kaunti ang ganap sa entabladi, hindi ko sinasabing naging boring ang palabas kumbaga sila ang nagbigay ng kasiyahan sa lahat, kitang-kita naman yun sapagkat yung mga katabi kung mga bata ay tuwang-tuwa tuwing lalabas sa eksena ang pagkapatid na iyon, di lamang yun  isa sa magaling na eksena dito ay kung saan ang paglabas ng kanyang fairy God Mother upang makapunta si Cinderella sa palasyo.

Isa din sa masasabi kung highlight sa eksena dito ay ang pagsayaw ng lahat ng mga hayop sa kagubatan na siyang nagbigay din ng aliw factor sa mga panonood para kang bumalik sa iyong pagkabata sapagkat maalala mo kung anu ang kahalagahan ng mga hayop na ito kay Cinderella.

At ang paghuli ang design ng entablado ika nga nila talaga naman dinala ka nila sa isang malafairytale na mundo kung saan ipinasok ka nila sa isang mansyon ni Cinderella, Plaza, kagubatan at ang isang kakaibang palasyo.

Piling mga Galaw sa  Ballet Philippines' Cinderella 

Stepmother and Cinderella
The Stepsisters and the Stepmother
Funny Moments
Looking for the real owner of the shoe.
Finally the original owner of the shoe.
The final dance
Theater Rating : 8.9/10

So ikaw anu panghinihintay mo nood ka na din ng Ballet Philippines Present : Cinderella sa Cultural Center of the Philippines lamang ang lokasyon nito, kaya kung gusto mo maging masaya ang pasko mo panoorin mo na ito. Sulit na sulit ang bawat piso mo sa bawat eksena dito lalo na kung kasama mo ang iyong buong pamilya.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI

Connect to Ballet Philippines online through the following social media networks:
Facebook:    www.facebook.com/balletphilippines
Twitter:          @balletph
Instagram:    @balletphilippines
YouTube:     https://www.youtube.com/user/balletph
 
Share and enjoy the magic of theater thru this ballet piece as you bask in the magic of the yuletide season.

Comments

Popular Posts