Mangan Ta Na : Red Baron Ribs and Steaks
Sabi nga nila kung gagawa o magtatayo ka ng isang restaurant siguraduhin mo na ang ngalan na ito ay madaling tandaan para mas lalong balik-balikan ng mga tao kahit sabihin natin na malayo ito, hindi ba?
Kung tutuusin nga masasabi kung isa itong hole in the wall sa metro sapagkat di mo madaling makikita to kung di mo kabisado ang sulok ng kamaynilaan at di lamang yun dahil kakaiba rin ang napili nilang lugar, dahil ang kanilang tabing establisment ay isang car wash. Kung bakit? Dahil naging part owner ng Red Baron ang war cash na iyon dati ayun yan sa impormasyon aking nasagap hanggang andun ako sa lugar na iyon.
Pagpasok ko pa lamang sa loob ng Red Baron Ribs and Steaks masasabi kung medyo combination ito ng high-end at fastfood style dahil bukod sa maliit lamang ito ay maganda naman ang interior nito sa loob at di lamang yun mayroon din silang free wifi. Kaya naman panigurado na di ka maiinip habang hinihintay mo ang iyong masarap na order mula sa Red Baron Ribs and Steaks.
Anung ba meron sa Red Baron Ribs and Steaks??
Alam naman at halata naman na kung anu ang sineserve nila hindi ba? Kundi Ribs at Steaks pero alam ninyo ba na bihira lamang sa metro ang nagooffer ng ganito sapagkat alam naman natin na hindi naman basta-basta ang pagkuha ng mga ganun nga ingredient (buti na lamang maraming silang supplier) at isa pa ang nakakatuwa lamang dito ay pwedekang kumain habang hinihintay mo na matapos linisin ang kotse mo (dahil nga katabi lamang ito ng carwash).
Mangan Na Ta Mung Red Baron Ribs and Steaks
Dahil andito na rin ako syempre kailangan tikman na ang mga dapat tikman lalo na ngaun alam kung magugustuhan ko ang pagkain kanilang ihahain sa amin.
Nachoriffic | PhP238.00 |
Let's Drink!!
Syempre kung may pambara kailangan meron din panulak hindi ba? Kaya naman narito ang ilan sa mga drinks na pwede mo din subukan.
Good Shepherd's Ube, a frizzy non-coffee | Php138 |
Strawberry milkshake | Php155 |
Kitkat Matcha Hot Non-Coffee Based | PhP98.00 |
Peach mango | Php98 |
Kitkat Matcha Frizzy Non-Coffee Based | PhP138.00 |
Ito na ang pinakahihintay ng lahat ang pagkain ng kanilang masarap na ribs at steaks, panahon na para malaman kung papasa pa sila sa panlasa ng isang kapampangan, hindi ba?
Unang sinerve nila ang masarap na sandwich nila na akalain mo yun patok batok lang ang peg.
Volcanic Bacon Mushroom Melt | PhP255.00 |
Brunch Monster Burger | PhP245.00 |
Ribs and Steaks Na Nga!
Herb crusted heavy porter house | PhP1959.00 |
Rib Eye Steak | PhP289.00 |
Lamb Steak | PhP299.00 |
Blue Marlin Steak | PhP289 |
Oh di ba? Masasabi kong pasok sa banga ang bawat lasa nila, kung baga sa isang tindahan sa palengke sulit na sulit ang bawat kain mo. Maliban pa doon maganda ang ambiance ng lugar at sigurado akong patok na patok ito sa magbabarkada kung sakali man na magawi sila sa lugar na ito.
Challenge Me!
Syempre meron din silang munting pakulo kung saan dapat mabeat mo ang kalaban sa loob lamang ng 5 minutes para libre na ang pagkain na yun at kung hindi wala babayaran mo ito.
Food Ranking
Kung ako ang tatanungin kung anu ang iskor ng restaurant na ito 8 / 10, masyado bang mataas para sa iyo? Pero kung titignan mo ng maigi ang lugar maganda, ang mga staff mabait at mabilis kumilos, ang pagkain hindi tinipid at talaga naman mararamdaman mo ang lasa ng bawat kain mo.
Food Ranking
Kung ako ang tatanungin kung anu ang iskor ng restaurant na ito 8 / 10, masyado bang mataas para sa iyo? Pero kung titignan mo ng maigi ang lugar maganda, ang mga staff mabait at mabilis kumilos, ang pagkain hindi tinipid at talaga naman mararamdaman mo ang lasa ng bawat kain mo.
143 D. Tuazon corner Calamba Street, Brgy. Lourdes, Quezon City, Metro Manila
Store hours: 9:00am to 9:30pm daily
Contact nos.: (02) 3545970 or 09054002138
Comments
Post a Comment