Be Part of the Story : The Lasallian Scholarum Awards

Sabi nila bawat galaw mo sa mundong ito ay may kwento, maaring maganda sa iyong paningin ngunit di maganda sa karamihan o pangit sa iyong paningin ngunit magandang kwento sa kanila.


Isa ako sa masasabi kung mahilig sa sining kasi para sa akin ang sining ay isang uri ng kultura na maari mong paglaruan sa kahit anung paraan mula sa fotograpiya, musika, dokumentary o iba pang katulad nito.
Noong nakaraang 27 Oktubre 2014 na ginanap sa Greenbelt 5 Fashion Walk kaya naman laking tuwa ko ng naimbitahan ako upang saksihan ang isang exhibit kung saan ipinapakita kung anu nga ba ang kahalagahan ng bawat isa sa atin at kung anu nga ba ang mga bagay na maari nating gawin para mas lalong maging maayos ang takbo ng lipunan kahit sa maliit na paraan lamang.

Sa ginanap na  Lasallian Scholarum Awards Exhibit ipinakilala ng mga pamunuan nito ang mga magagaling at may malaking kontribusyon sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang napiling mga larangan.

Howie Severino at ang Gaano mo kakilala si Rizal?

Isa sa mga panauhing pandangal ng gabi iyon ay ang aking paboritong news anchor at beterano na pagdating sa paggawa ng isang de-kalidad na dokumentary na si Mr. Howie Severino at di lamang yun dahil andun na rin siya sa nasabing event ay ginawaran din siya ng  Lasallian Scholarum Award for Outstanding Televised Feature on Youth and Education in 2005 (Little Bad Boy : Binatang Rizal) and 2009 (Papa, Papa, Paano ako ginawa?). Ang Little Bad Boy : Binatang Rizal ay ang isa sa masasabi kung paboritong episode sa I-Witness dahil sa ganda ng pagkakagawa nito, di lamang yun sapagkat mas malalim ang kanyang pagdokyumento sa bagay na iyon. Kaya naman mas lalo ko nakilala kung sinu nga ba si Rizal sa mga bansang kanyang pinuntahan.

The Attendees of  Lasallian Scholarum Awards Exhibit
Andito rin ang ilan sa mga opisyal ng De La Salle University na sina DLSU Vice Chancellor for Lasallian Mission Br. Michael Broughton FSC, Dean for Student Affairs Ms. Fritzie Ian De Vera, Office for Strategic Communication Executive Director Jose Mari Magpayo at ang host ng event na si LA Aguinaldo.

More pa patungkol sa Lasallian Scholarum Award

 Lasallian Scholarum Awards

 Lasallian Scholarum Award (LSA) is an annual recognition program that honors outstanding stories on youth and education by campus and professional journalist. Incepted in 2004, the LSA marks its 11th year with an exhibit that showcases the winners of the  Lasallian Scholarum Awards.

Dahil andito na rin lamang ako sa  Lasallian Scholarum Awards tinginan ko kung sinu-sinu nga ba ang mga nagwagi sa mga nakaraan  Lasallian Scholarum Awards at kung anu ang mga storya nito.

Narito ang ilan sa mga paksa para sa  Be Part of the Story.


  • Ano ang kahalagahan ng sex-ed?
  • Even children can be heroes.
  • Paano tayo makakaiwas sa baha?
  • We can stop global warming.
  • It takes compassion to heal.
  • We can use social media to spur change.
  • We can build a solar car.
  • No to plagiarism.
  • Great mind create and innovate.
  • Gaano mo kakilala si Rizal?
  • Protect our coral reefs.



Di mabubuo ang exhibit na ito kung walang pagtutulungan hindi ba? Kaya naman isang pasasalamat din sa kanilang partners na sina Ayala Malls, Microsoft, Globe Telecoms at Red Cross Youth.

Para sa iba pang mga larawan ng  The Lasallian Scholarum Awards  tumungo lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI sa facebook.

Comments

Popular Posts