Quickie Review : Past Tense (Film) by Mae Cruz-Alviar

Paano nga kaya yung may kapangyarihan kang ibalik ang nakaraan at itama ang mga bagay na sa tingin mo ay may mali papayag ka kaya o mas pipiliin mo na lang ang kasalukuyan??

At ang nakaraan lamang ang susi para mas maging masaya at magkaroon ka ng isang happy ending na love story.

Kagabi lang umattend ako ng premiere night ng Past Tense kung saan tampok ang mga bankable artist ng Kapamilya Network na sina Kim Chiu, Xian Lim at Ai-ai Delas Alas kasama din syempre ang Big Winner ng Pinoy Big Brother na si Daniel Matsunaga.

Past Tense??

Ang kwento ng Past Tense ay isang pelikula tungkol sa mga consequences, mga pagbabago, at mga pagkakataon na dapat ibigay ng mga tao base sa mga desisyon na kanilang ginagawa a kanilang buhay.

Best Scene :

Isa sa mga masasabi kung naging magandang eksena at ng cinematography ay yung nasa kotse sila ni Bell (Kim Chui) at Babs (Xian Lim),sa kotse kung saan pinag-uusapan nila ang kahalagahan ng pagkakaibigan at ka-ibigan.

Iba pa rin talaga ang nabibigay na kasiyahan at galak ng nag-iisang comedy concert queen  na si Ms. Ai-ai Delas Alas sapagakat wala naging dull moment pag nasa eksena na siya.

Kissing Scene :
Nakakakilig naman talaga ang tambalang KimXi aminin natin yan, sa unang tambalan palang nila sa kanilang first movie na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo marami na ang humangan sa kanilang galing sa pag-akte lalo na ngaun na mas naging mature na ang pag-iisip nila at naging open sila sa mga suggestion sa bawat eksena, no doubt kung bakit parang naging natural na lamang ang kissing scene lalo na sa isang eksena sa sofa. Dahil sa una may kilig na naging tampuhan.

Special Effect :

Oo, maganda ang special effect na ginamit ng Star Cinema ngaun kumpara sa mga dating gawa nila pero yung sa scene ni Ai-ai masyado naman atang napasobra dahil too much modern naman yung eksena dun kung saan parang di naman ata magiging totoo.

To Director : 

Direk  Mae Cruz-Alviar never fail to amaze us kuhang-kuha na niya ang timpla ng manood, no doubt sapagkat nahawakan niya ng mahusay ang tambalang KimXi mula sa kanilang 1st team up sa Bride for Rent.

Congrats Direk Mae sa mahuhusay na pagkakagawa ng Past Tense. 

Movie Star Rating :
★★★☆☆

Kaya kung gusto mo ring kiligin,matuwa, ayaw mafriendzone o mas tamang sabihin may forever nga ba?

Panoorin muna ang magiging blockbuster movie ng taon ang Past Tense na mapapanood na sa buong bansa simula ngaun Nobyembre 26, 2014.

Comments

Popular Posts