Sabi nga nila ang pagkaing Pinoy ay kakaiba sa lahat ng mga pagkain sa ibang bansa sapagkat meron itong kakaibang lasa na talaga naman kahit araw-araw mo ata itong kainin ay masarap. Marahil dulot ito ng mga bansang sumakop sa atin kaya naman ganun na lamang ang ating sarap sa pagluluto.
Marahil nabasa ninyo na ang aking munting review sa Tambayan sa Kanto noong nakaraang buwan, ito ulit ako at muling magbabalik para muling tikman at lasapin ang pagtambay sa Tambayan sa Kanto.
Muli ang Tambayan sa Kanto ay isa sa mga masarap kainin sa puso ng Ortigas, sa loob mismo ng The Podim kung saan isa sila sa maitututing premier ng lugar.
Bakit nga ba ako bumalik sa Tambayan sa Kanto kung marami naman lugar sa Ortigas na masarap tambayan, hindi ba?
Marahil ang sagot ko diyan ay may kakaibang dala ang ambiance nito sapagakat hindi siya isang tipikal na dine-in na restaurant sapagkat una maganda ang aura ng lugar, di mo akalain na nagseserve pala sila ng isang Pinoy Dish dahil western style ang setting ng lugar ngunit subalit pag nakita mo naman ang laman ng menu nila, Boom! Pinoy na Pinoy sapagkat ang inoofer nila ay ang mga dishes ng iba't-ibang lugar sa Pinas.
Tara simulan na natin ang aking munting food trip sa Tambayan sa Kanto.
|
Kadyos, Baboy at Langka (KBL) |
Syempre bago magsimula ang lahat ay titikman muna natin ang isa sa mga pinagmamalaki ng Ilonggo walang iba kungdi ang Kadyos, Baboy at Langka o mas kilala bilang KBL, masasabi ko tulad ito ng sinigang ng Maynila kungbaga ang ginawa lamang nila ay mas maasim at masarap na kombinasyon ng langka at kadyos na nagbigay ng kakaibang limammam nito.
|
Ensaladang Tagalog |
Sumusunod ang Ensaladang Tagalog, marahil alam na natin kung anu ito sapagakat pangkaraniwan na ito sa atin ngunit sa mga di nakakaalam ang Ensaladang Tagalog ay binubuo ng inihaw na talong,kamatis,sibuyas,mangga at bagoong.
|
Chicharon Liempo |
Ito na to malapit na ang main course pero bago yun isa munang masarap na pampagana o sa ingles ay starter, walang iba kungdi ang Chicharon Liempo na talaga naman putok batok sa sarap, hindi dahil sa liempo kundi dahil sa sarap at lutong ng pagkakagawa kungbaga pudeng-pude na itong gawing pulutan sa inuman.
Ito na matatakam na tayo sa main course ng Tambayan sa Kanto.
|
Crispy Tadyang ng Baka |
Una sa listahan ang Crispy Tadyang ng Baka na masasabi ko na swabe at kagat labi sa lasa dahil sa tamang timpla nito at di lamang yun sapagkat bagay din ito sa salad na mas lalong magbibigay ng lasa at syempre ika nga ng mga tambay sa kanto ay samahan mo pa ng pampapainit sa lalamunan ang masarap na sorbesa.
|
Coconut Crusted Prawns |
Ikalawa sa listahan ang Coconut Crusted Prawns na isa sa mga naging paborito ko na sapagkat isa siyang pagkaing dagat na masarap at matakaw sa mga iba't-ibang mga bitamina, di lamang yun dahil malalasahan mo talaga na fresh na fresh ang kanilang ginamit dahil di siya masyadong dry kainin kumpara sa di na fresh.
|
Roasted garlic chicken |
Ikatlo sa listahan ang roasted garlic chicken na talagang naman amoy pa lamang nito ay sogbu ka na dahil sa bango ng aruma dulot ng spice at garlic nito, paano pa kaya kung natikman mo na ito at hindi nga ako nagkamali sapagkat lasang-lasa mo ang mga sangkap na ginamit, isa pa malambot ang manok di siya isang parang bubble gum na pagkinain mo parang isang goma.
|
Baked Tilapia with laing |
Ikaapat sa listahan ang Baked Tilapia with laing, isa ito sa mga naging best seller nila sapagkat pinagsama ang masarap na tilapia at gulay. Na kung tutuusin naman ay masarap na kumbinasyon na ito. Gusto ko yung pagkakaluto nila sa tilapia di siya malasado o mas lamang sabihin na pagkinain mo ay may lansa, ito wala marahil dulot ito ng aroma ng timpla sa isda at sabayan mo pa ng isang laing.
At ang huli pero ang pinakahihintay ng lahat ay mas putok batok walang iba kungdi ang Crispy Bagnet na best seller ng Tambayan sa Kanto. Masasabi kung kakaiba ang Crispy Bagnet nila sapagkat sinamahan pa ito ng KBL o mas tamang sabihin ulit na isa itong ilocano dish na may kasamang kamatis, bagoong, at lasona na nagbigay ng kakaibang sipa sa panlasa ng Crispy Bagnet kungbaga sa madaling sabi masarap to the max ang Crispy Bagnet kasama ang kumbinasyon na ito, kaya marahil best seller ito tas samahan pa ng isang pampadulas na sorbesa.
|
Turon halo-halo |
Syempre pagkatapos ng masarap at kakaibang klaseng pagkain eh dapat may isang masarap din na panghimagas, kaya naman isa din ito sa mga best seller nila pagdating sa panghimagas ang Turon halo-halo. Una pa lang sa pagkarinig ko nito ay nacurious na ako kung anu ba yung turon halo-halo sapagkat ang nasaisip ko ay isang turon at isang halo-halo yun pala kaboom, mismong turon pala ang halo-halo na masasabi kung sobrang taba ng utak ang nag-isip nito at hindi lamang yun dahil noong tikman ko ito talaga naman napaWOW ako sapagkat kakaiba talaga yung twist na dinala ng panlasa ko sa dessert na iyon. Kungbaga sa kapampangan "Manyaman ne".
|
Leche plan |
At ang huling titikman na panghimagas ay ang isa sa all time favorite kung dessert sa kahit anung orasyon ang leche plan na sinamahan pa ng masarap na macapuno string. Oh well tipikal na lechen plan lamang siya pero masasabi ko na hidi siya yung nakakaumay na tamis sapagkat masusulit mo yung bawat namnam nito sa bibig mo kumbaga sa isang kutsara pa lamang ay solb ka na.
|
Green mango shake |
Syempre kailangan mo din ng patulak sa bawat kinain hindi ba? Isa sa mga inorder ko dito ang green mango shake na mas lalong nagbibigay ng sarap sapagkat, alam mo yung iniinom mo ay hindi pilit sa bunga ang pagkakakuha dahil sa asim-tamis nito.
Ikaw gusto mo bang tikman ang lahat ng mga kinain ko sa Tambayan sa Kanto?
Simple lamang hanapin ang kanilang lugar asa G/F, The Poduim Mall, ADB Avenue, Ortigas Centre, Mandaluyong City lamang sila, kung gusto mo naman magpareserve pude rin naman tawagan mo lamang sila sa teleponong 4779045 o kaya sa 5461888, o kung gusto pong pangpadeliver pwede rin tumawag lamang sa 2121212 (TwoAnyoneDelivery) or itext lamang ang <ORDER> at ipadala sa 09182121212 at ang agent ay tatawag sayo upang kumpirmahin ang iyong order.
Para sa iba pang larawan ng foodtrip review ilike lang ang opisyal na fanpage ng
AXLPPI.
So paano kita-kits na lamang tayo sa Tambayan sa Kanto ha, sigurado akong magugustuhan mo ang iba't-ibang putahe na kanilang ihahandog sayo sapagkat ang bawat pagkain mo dito ay para ka na rin naglakbay sa iba't-ibang lugar sa Pinas dahil sa kanilang mga iba't-ibang klaseng putahe na nagbibigay halaga sa ating kulturang pagkain.
Malay mo makasabay mo makatambay ako dito sa Tambayan sa Kanto at makapagkwentuhan pa tayo, hindi ba?
So anu pang hinihintay mo tara na tambay na sa Tambayan sa Kanto!
Comments
Post a Comment