Hari Ng Tondo mapapanood na sa mainstream
Isa ang Hari ng Tondo sa Director's Showcase ng Cinemalaya X noong Agosto at dinirehe ng nag-iisang Carlos Siguion-Reyna.
Di na ko magtataka pa kung bakit mapapanood na ng mga Pinoy ang isa sa mga pinilahan at binigyan ng iba't-ibang mga parangal noong Cinemalaya Awards night katulad ng Best Actor para kay Robert Arevalo, Best Supporting actress para kay Cris Villonco at Special Jury Prize para sa Director's Showcase.
Kaya naman di nakakapagtaka kung bakit ito maipapalabas sa mainstream sapagkat naipakita nila kung anu nga ba ang tunay na kwento ng Tondo hindi lamang ito puro kahirapan at gulo, sapagkat narito makikita mo kung sinu nga ba ang tunay na Pinoy ika nga ni Bibeth Orteza sa aming interbyu, "kahit gaano pa mana kagago ang taga-Tondo marunong silang lumugar at alam nila kung kailan nga ba sasabak sa gyera".
At isa ipinapakita din dito sa pelikulang ito ang dark comedy kung baga sa madaling sabi ay kahit mahirap kami ay sige lang ng sige, sapagkat di naman kami nabuhay dito upang maging isang masarap lamang sa mundo, andito kami upang mabuhay ng abot ng aming makakaya at masaya kami sa aming ginagawa kahit mahirap lamang kami.
Sa mga di nakakaalam kung anu nga ba ang kwento ng Hari ng Tondo.
Ang Hari ng Tondo ay isang gripping comedy na nakasentro kay Ricardo Villena (Robert Arevalo), isang lolo na malapit ng mabanckrupt. Isinama niya ang mga apong sina Anna (Cris Villangco) at Ricky (Rafa Siguion-Reyna) sa Tondo sa kumunidad na naghulma sa kanyang pagkatao. Ngunit di alam ni Ricardo na malaki na pala ang pinagbago ng Tondo ibang-iba na ito sa kanyang nakilala noong dito pa siya nakatira at bago pa siya napunta sa Makati.
At doon iikot ang kwento sa pagbabago na iyon, makakayanan kaya ng mga apo ni Ricardo ang ingay, gulo at ugali ng mga tiga-Tondo?
Narito ang ilang larawan noong naganap na grand prescon ng Hari ng Tondo.
Spoiler Alert:
Abangan ang ilang mga eksena nila Lorenz Martinez sa ganyang ginagampanan na karakter na talaga naman magugulat kayo.
Kaya naman kung hindi mo pa napapanood ng Hari ng Tondo, aba'y panoorin mo na ito sa sinehan sa darating na Oktubre 1.
Kung gusto ninyo ng iba pang spoiler maari ninyong basahin ang Hari Ng Tondo Cinemalaya Review dito sa Hari ng Tondo | POV.
Para sa iba pang mga larawan sa naganap na GrandPrescon ng Hari ng Tondo pumunta lamang sa opisyal na facebook ng AXLPPI.

Rez Cortez |
Cris Villonco |
Robert Arevalo |
Rez Cortez with Ali Sotto |
Bibeth Orteza with Mark Tayag |
Spoiler Alert:
Abangan ang ilang mga eksena nila Lorenz Martinez sa ganyang ginagampanan na karakter na talaga naman magugulat kayo.
Kaya naman kung hindi mo pa napapanood ng Hari ng Tondo, aba'y panoorin mo na ito sa sinehan sa darating na Oktubre 1.
Kung gusto ninyo ng iba pang spoiler maari ninyong basahin ang Hari Ng Tondo Cinemalaya Review dito sa Hari ng Tondo | POV.
Para sa iba pang mga larawan sa naganap na GrandPrescon ng Hari ng Tondo pumunta lamang sa opisyal na facebook ng AXLPPI.
Comments
Post a Comment