Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang | Book Launch
Kung mahilig ka magbasa ng malaHarry Potter Series o ng Lord of the King Series marahil ay magugustuhan mo din ang Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang na sinulat ni Segundo Matias Jr at igihuhit ni Jomike Tejido. Dahil ang Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang ay isang kwentong mythological na kung saan naikwekwento dito ang isang masaya,malungkot at mabagsik na buhay ni Moymoy Lulumboy.
Kaya naman laking tuwa ko noong naimbitahan ako upang makasama sa isang munting book launch ng Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang ay umoo kaagad ako sapagkat alam ko na magiging patok ito sa mga kabataan lalo't pa na nabalitaan ko na nauna pala itong inilimbang sa isang sikat na social media na Wattpad.
Naganap ang book launch nito sa MIBF, SMX Center noong 18 September sa ganap na 11:00 hanggang 2:00 ng hapon.
Tara samahan mo ako kung anu nga ba ang naganap sa book launch ng Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang.
Sa pagbukas ng book launch ay nagulat ako sapagkat di lamang siya ordinaryong book launch dahil mas binigyan ng buhay ang ilan sa mga unang kabanata ng Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang kung saan pinangunahan nito ng FEU Theater Guild at nilapatan pa ng isang magadang melodiya at tempo ng PETA. Kaya naman aliw na aliw ang mga tao sa panonood kungbaga sa sinehan naging 3D ito dahil sa ganda ng interpretasyon nila sa ilang sa mga unang bahagi ng kabanata ng libro.
Syempre pagkatapos noon ay nagkaroon na ng open forum kung saan maari sagutin ng manunulat at tagaguhit ang bawat tanung na nagmumula sa media.
Segundo Matias Jr at Jomike Tejido |
Narito ang ilan sa larawan na naganap sa Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang | Book Launch.
Isa din sa dahilan kung bakit ganun ang atake na kanyang ginawa sapagakat na inspire din siya sa ganda ng konsepto ng Harry Potter pero di naman niyang sinabing kinonya niya ito.
Patungkol naman sa mga larawan na makikita sa libro na ginuhit ni Jomike Tejido, sinabi niya na binasa muna niya ang libro at pinag-isipan niyang mabuti ang bawat karakter na kanyang iguguhit para maging akma ito sa kwento. Isa sa mga inspirasyon niya dito ay ang mga halaman at mga insekto sa paligid, sinugurado din niya pagnakita ng mambabasa ang larawan ay masasabi nilang Pinoy ang gumawa nito.
Kaya naman bago pa matapos ang open forum ay tinignan ko ang nilalaman ng libro at binasa ito ng pahapyaw, masasabi kung mapapadalas ata ang pagbabasa ko ng libro na ito sapagkat sa unang kabanata pa lamang nito ay naaliw na ako kaya naman itinigil ko muna ito pansamantala baka kasi matapos ko ang libro ng di ko namamalayan.
Isang pahabol para sa lahat ang Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang ay maaring maging isang serye ng mga aklat sapagkat sinisimulan na ni Segundo Matias Jr ang paggawa ng ikalawa nitong serye at maari din niya itong iupload sa kanyang wattpad.
Mabibili ang librong Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang sa lahat ng leading bookstore sa bansa.
At bago ko makalimutan inilimbag ito ng isa sa mga paborito kung publisher ng bansa ang Lampara Books.
So anu pa ang hinihintay mo papahuli ka ba?
Bili na ng librong Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang at sinisigurado ko sayong sulit na sulit ang pera mo sa pagbili nito.
Pumunta lang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI para a karagdagang mga larawan sa nakaraang book launch.
Comments
Post a Comment