Project: First Home | Book Launch

Sabi nga nila isa sa mga pangangailangan ng isang tao dito sa mundong ito ay ang pagkakaroon ng isang maayos na bahay. Dahil ang bahay ang maaring pagsimbolo ng katayuan o narating mo sa buhay.

Isa sa mga pangarap ko ay pagkaroon ng simple ngunit maayos na bahay at dahil wala naman akong alam patungkol sa kwento kung paano nga ba nabubuo ang isang bahay, isa marahil sa mga dahilan kung bakit nagustuhan kung umattend sa isang book launch dahil alam mo sa bawat basa mo ng isang libro o sa modernong panahon ngaun na tinatawag na e-book ay para mas lalong lumawak ang iyong kaisipan at kaalaman sa bagay na iyong gustong malaman.
Noong nabasa ko ang coverbook ng book launch na aking dinaluhan aba natuwa ako ng husto marahil malalaman ko na kung anu nga ba ang kwento sa pagbuo ng isang simpleng bahay na gusto ko.

Ipinapaliwanag ni sir John Aguilar, kung anu ang concept ng ebook at paano ito naiiba sa lahat.
Ang librong aking binabanggit walang iba kungdi ang Project: First Home, ang Project: First Home ay hango sa isang sikat na palabas sa cable na Philippine Realty TV kung saan makikita mo dito kung paano,kailan at kung anu ang mga dapat mong gawin upang mabuo ang simpleng bahay na gusto mo, makikita mo din sa libro na ito kung sinu-sinu nga ba ang mga dapat mong kausapan patungkol sa bagay na gusto mo, mula sa designs, suplliers at iba pa.

Isa sa mga nagustuhan ko sa Project: First Home e-book version na ito ay makakalkula mo ang mga bagay o tamang sabihin na bibilhin mo, di lamang yun may kasama pang load calculation ang e-book nila, kaya naman masasabi kung sulit na sulit ang bawat pagbabasa mo ng Project: First Home di dahil nag-aaral ka ng architecture o ng engineering o kahit anung related na course para dito, para sa akin ang  Project: First Home ay para sa lahat sapagkat nahimay-himay niya ang mga bawat detalye na gusto mo para sa iyong bahay.

Sinu nga ba ang nagsulat ng librong Project: First Home?

Sir John at Arch Palafox, nag-uusap ukol sa nilalaman ng Project: First Home

Isinulat ito ni Ginoong John Aguilar, siya lamang ang executive producer ng Philippine Realty TV syempre sa tulong din ni Arch. Felino “Jun” Palafox, JR. para mas lalong maging interesante ang libro.

Saan mabibili ang Project: First Home?

Mabibili ang Project: First Home sa lahat ng Fully Booked Outlet sa bansa at sa lahat ng branches ng Wilcon Depot. Ang ebook naman nito ay madodownload din sa pamamagitan ng Buqo App.

Kung may mga katanungan kayo patungkol sa librong nabanggit maari lamang silang tawagan sa Second Wind Publishing Tel. (02) 621-4635 or email info@philippinerealtytv.com.

Visit www.PhilippineRealtyTV.com  for more information on the book and airing schedules of Philippine Realty TV.

Comments

Popular Posts