Pizza warehouse, your fastfood pizza parlor

Pizza Warehouse Logo
Sabi nga nila pizza ang isa sa mga paboritong pagkain ng pinoy, di ko alam kung bakit pero marahil dala ito ng kultura ng mga Kastila o ng mga Amerikano.

Aaminin ko isa ako sa mga mahilig kumain ng pizza noong nagtratrabaho pa lamang ako sa business district sa Ortigas madalas tuwing papatak ang araw ng Byernes ay pumunta kami ng aming grupo sa isang sikat na pizza parlor upang magchill at itreat ang aming mga sarili sa isang mahabang trabaho sa linggo na iyon.

Kaya naman mahaba ang aming hinihintay upang matikman ang aming pizza kumbaga nasasayang ang iyong oras para lamang sa isang pizza hindi ba?


Ngunit subalit ngaun hindi na! Sapagkat may isang umuusbong na pizza parlor sa pinakabusing lugar sa Makati, walang iba kundi ang Pizza Warehouse kung saan mas pinabilis at talaga naman sulit ang bawat kagat mo sa kanilang produkto.

Isa sa mga best seller ng Pizza Warehouse ang All cheese na nagkakahalaga lamang ng Php99/slice at Php599 naman kung buong pizza ang iyong oorderin.


Marahil kaya naging best seller ang All Cheese Pizza dahil sa dekalidad na produktong kanilang ginagamit sapagkat amoy pa lamang ng pizza ay busog ka na, di lamang yun pagtinikman mo na ang all cheese pizza, boom lasang-lasa mo ang ginamit nila na cheese dito at talaga ang dami nilang nilagay.

Ilan sa mga pizza na kanilang binebenta ay ang mga sumusunod.

Combo Pizza na nagkakahalaga ng Php109/slice at Php649/whole.

All Meat na nagkakahalaga ng Php109/slice at Php649/whole.

Pepperoni Pizza na nagkakahalaga ng Php109/slice at Php649/whole.

Shrimp at Garlic na nagkakahalaga ng Php109/slice at Php649/whole.

Veggies na nagkakahalaga ng Php109/slice at Php649/whole.


Marahil nagtataka kayo kung bakit ko nilagay ang presyo at di ko na lamang ilagay larawan at ang presyo ng bawat pizza? Sapagkat dalawang mix pizza ang aming inorder kung saan andun na lahat ng mga nabanggit na pizza.


Syempre andito na rin lang kami sa Pizza Warehouse bakit di na natin subukan ang kanilang Pepper Steak Roast Chicken na napaWOW ako sapagkat noong inihain sa amin ng manok na ito naamoy mo kaagad ang aroma na ginamit na talaga naman na mapapakain ka ng wala sa oras dahil sa aroma nito. Nagkakahalaga ang buong manok na ito ng Php329, sulit na sulit ito para sa isang barkadahan na pagkain.


Kung gusto mo naman na medyo kaunti lamang ang iyong kakainin bakit di mo rin subukan ang kanilang real all beef hotdog na Php99.00 lamang, na pude-pude mong baunin para mayroon kang quick lunch or meryenda.


Ang paborito ng mga bata ang fresh churros na nagkakahalaga lamang ng Php49.00

Gusto mo rin ba matikman ang pizza sa Pizza Warehouse?

Matatagpuan ang kanilang stall sa loob mismo ng Glorietta 3 sa ikalawang palapag ng gusali.

Para sa iba pang mga larawan sa pizza warehouse pumunta lamang sa official fanpage ng AXL Powerhouse.

Comments

Popular Posts