Eraserheads mula noon hanggang ngaun

EsquireEheads Cover
90’s. ‘Yan ang unang naalala ko nung marinig ko sa unang pagkakataon ang dalawang bagong kanta ng Eraserheads. Tunog palang kase 90’s pa din ang dating, napakahusay, wala pa ding  pinagbago. Muli tuloy bumalik lahat ng alaala ko nung nasa Grade 2 palang ako, sa kotse ng pinsan ko kung saan una kong narinig ang Eraserheads, unang album nila yun. Akalain mong halos 2 dekada na pala ang nakalipas. Sa bawat andar ng sasakyan kapag hinahatid sundo nila ako, hanggang pag-uwi sa bahay ay Tunog Eraserheads pa din ang pinatutugtog nya kaya halos mamemorize ko na nga ang bawat linya. Paborito ko nun yung kantang “Tindahan Ni Aling Nena” siguro dahil bata pa ako noon kaya ayun ang nagustuhan ko, nakakatuwa kase ang bawat linya.

Album Cover mula sa EsquireEheads
Sa halos 10 taon na nadisband ang grupo ay ngayon nalang ulit nangyari na bumuo silang apat ng mga bagong kanta, kaya nang mabalitaan ko na maglalabas ang Esquire ng isang Special Magazine na Cover ang E’heads ay nag-abang ako ng bawat update. Sa Facebook nakita ko yung cover, astig nga! Nasa Abbey Road sila, parang kuha ng The Beatles noon. Lalo akong nasabik ng iannounce nila na may nakalakip na CD sa Magazine. Saktong Sept. 4 nirelease ito, at yun din ang araw na nakakuha ako ng kopya. Pahirapan talaga, kailangan mo munang magpareserve. Pagkalapag palang ng Magazine eh ubos na ubos na agad. Maswerte talaga ako kase nakakuha ako ng maaga.

Hindi lang dahil nagsama sama silang muli kaya ganito ang naging pananabik ng tao, sa tingin ko ang tunay pa ding dahilan ay ang kanilang galing sa musika kaya tumatak sila sa tao. Kahit 2 kanta lang ang nailabas nila ay sulit na sulit na ito. Malakas pa din ang paniniwala ko na hindi magtatagal ay makakabuo muli sila ng panibagong album.

Contribute by Jhenay Villareal

Comments

  1. They happened to be the right band at the right moment in history. And they defined a whole generation. Marami kahit sa mga following generations ay nahubog sa influences nila.

    Hindi man nila sinasadya pero the E-heads phenomenon is not anymore musical. It has become a religious experience. Rock on!

    Sayang nasa Italy ako. Hindi nako makakakuha ng copy niyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. iba kasi ang tibre ng pagkakagawa nila ng kanta kaya patok na patok sa panlasa ng Pinoy.

      Delete
  2. https://www.facebook.com/EraserheadsComboNation

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts