Seven Reason To Watch "Shrek The Musical"

Sabi nila isa sa maaring makapagtanggal sa iyo ng stress ay manood ka ng isang magandang palabas at garantisadong pagkatapos mo itong mapanood ay magiging goodvibes ka.

Noong nakaraang 18 September 2014 ay naimbitahan ako upang paanorin ang isa sa mga bagong offering ng Atlantis Productions, walang iba kundi ang isa sa mga sikat na palabas pambata at pwedeng sa mga pusong bata na "Shrek". Sinu nga ba ang di makakakilala sa atin ng palabas na "Shrek" na talaga naman na nagbibigay ng kakaibang aliw sa mga bata pag-ito ay pinapanood nila.

Ang Shrek ay base sa kwentong pambata na sinulat ni William Steig, ito'y inilimbag noong 1990 at naging pelikula noong 2001.

At ngaun naman isasabuhay ng Atlantis Productions sa pamamagitan ng “Shrek The Musical” sinulat ni David Lindsay-Abaire at nilapatan ng musika ni Jeanine Tesori.

Anu nga ba ang kwento ng “Shrek The Musical” ?

Ang kwentong ito ay umiikot sa isang ogre na ang pangalan ay Shrek (Rycharde Everley) kung saan pupunta siya sa mundo ng mga fairytale creatures ung saan dito nakatira ang nag-iisang Lord Farquaad(Jett Pangan) na nakatira sa kaharian ng Duloc.Habang naglalakabay si Shrek ay nakikilala niya si Donkey (Nyoy Volante) at syempre makikilala din niya si Lord Farquaad, nagkaroon sila ng isang kasunduan kung saan kailangan niyang iligtas si Princess Fiona (Shiela Valderrama-Martinez)kapalit ng isang malawak na lupain.

Anu nga kaya ang mangyayari maililigtas kaya ni Shrek si Princess Fiona?

Syempre dahil isa itong theater review di ko sasabihin at kailangan panoorin mo ito para malaman mo ang sagot.

Pero bago yun bibigyan ko kayo ng kaunting patikim kung bakit nga ba ninyo panoorin ang Shrek The Musical ng Atlantis Productions?

1. Talagang pinaghandaan nila ang stage setting, kung saan sa bawat scene o sequence kaya naman mas lalong nagbibigay ng saya ito sa mga batang nanonood.

2. Ang custom design na talaga naman kuhang-kuha nila mula kay Shrek hanggang sa mga fairytale creatures ng Disney.

3. Si Donkey na ginagampanan ni Nyoy Volante. First time kung napanood ng live sa teatro si Nyoy Volante, masasabi kung magaling siya at alam niya kung kailan ang dapat ang tamang atake sa pagpapatawa na nagbibigay ng kakaibang sigla. At habang pinapanood ko ito may naalala akong isang magaling na komedyante na si Eddie Murphy dahil sa kanyang pagboboses donkey.

4. Si Pinocchio grabe sobrang galing niya di ko nakuha kung anu ang ngalan niya pero iba kung atake na ginawa niya at lalo na sa patapos ng palabas kung saan ipinamalas niya na di lamang siya isang wooden puppet may ibubuga rin siya pagdating sa pagkikipagdigma.

5. Si Princess Fiona na ginagampanan ni Shiela Valderrama-Martinez. Amazing!! Parang dinadala ka nila sa ibang mundo sa bawat pag-awit niya lalong-lalo na sa eksena kung saan nasa itaas siya ng torre at hinihintay niya ang pagdating ng kanyang nag-iisang Prince Charming.

6. Si Shrek na ginagampanan ni Rycharde Everley. Boom isang malakas na palakpak ang aking ibibigay sa taong ito, marahil matagal na siya sa mundo ng teatro sapagkat sa bawat kumbas ng kanyang mga katawan at mga bigkas at klarong-klaro lalo na ang isang eksena kung saan nagkaroon ng isang mainit na pagtatalo nila ni Princess Fiona.

7. Lord Farquaad na ginagampanan ni Jett Pangan. Unang beses ko din siyang napanood ng live sa teatro at masasabi kung naisabuhay niya ng husto ang karakter na kanyang ginampanan, isa sa mga eksenang di ko makakalimutan dito ay kung saan sinusugod na siya nga mga fairytale creatures na talaga naman puno ng komedya.

Ayan ang pitong reason kung bakit nga ba dapat panoorin ang "Shrek The Musical".

Ang "Shrek The Musical" ay mapapanood hanggang Oct 11 sa Meralco Theater, Ortigas Center, Pasig City.

Comments

Popular Posts