Tiño dress to express not to impress

Noong nakaraan 16 ng November 2013 nabigyan ako ng pagkakataon para mameet at makilala ng personal ang anak mismo ng Master Tailor sa bansa na si Ms. Eilene Balagon.
Unang punta ko pa lamang sa Tiño booth ay naamaze na ko sa nakadisplay nilang mga sample work, dahil kita mo na doon pa lamang ang ilang mga sample na suit na di pa tapos pero detalyado ang pagkakagawa nito at isa pa dahil gusto ko ay magkaroon mismo ng isang personalized na business coat o suit mula sa isang kilalang designer or brand ngunit noong nakilala ko si Ms Eilene parang mas nagustuhan ko na magpagawa sa isang Master Tailor, bakit? Dahil naikwento sa amin ni Ms. Eilene ang ilan sa mga kahalagahan o importansya ng isang damit na iyong susuotin at kaunting background sa Tiño at syempre ang legacy ng kanyang butihing ama, isa na dito ay ang magtrain ng mga fashion student para naman maipasama ang kahalagahan ng isang trailor. Siya nga pala bago ko makalimutan ang ama ni Ms. Eilene ay ang nag-iisang Master Trailor sa Pilipinas isa ito mataas na antas ng position sa mundo ng fashion at arts kung baga sa military isa siyang hepe.

Ang Tiño ang gumagawa ng mga dekalidad at first class na suits at mga formal wear na talaga naman na maglalast sapagkat di lamang basta-basta ordinaryong tela ang ginagamit dito at syempre mabusisi din sila sa mga detalye dito, ika nga nila  ang pagsuot ng isang maganda at maayos na damit sa panahon ngaun ay isang statement. Beside sa Tiño sigurado ka na makukuha mo ang gusto mo dahil mismong Master Trailor ang iyong makakausap at gagawa ng iyong damit, Syempre dahil nga personalized at mismong ang Master Trailor ang gagawa nito marahil mapapaisip ka na medyo mahal ang iyong babayaran pero nagkakamali po kayo sapagkat mababa lamang ito kumpara sa ibang mga branded na personalized suit or dress dahil nagsisimula lamang ang cost nito na halagang Php18K mataas, oh di ba? Mura na yun at take note mismong Master Trailor pa ang gumawa at nag-iisa na lamang isa sa ating bansa kungbaga treasure na yun pagdating ng panahon.

Para sa iba pang mga detalye o kung gusto ninyo magpagawa pumunta lamang sa kanilang official fanpage account sa facebook.



Comments

Post a Comment

Popular Posts