Mga Anino ng Kahapon Film By : Alvin Yapan | Review
Mga Anino ng Kahapon Poster |
Anu nga ba ang kwento ng Mga Anino ng Kahapon?
Ang Mga Anino ng Kahapon ay tungkol sa schizophrenia. Ang schizophrenia ay isang uri ng sakit sa pag-iisip kung saan ang isang tao ay dumadanas ng pagkahibang at mga guni-guni, yung bang parang may kausap sila pero wala naman, feeling nila may sumusunod o humahabol sa kanila pero ang totoo gawa-gawa lamang iyon ng isang imahinasyon.
Pero syempre di lang schizophrenia lahat tumatalakay din ito sa pamilya, buhay ofw, relasyon ng mag-asawa at sa komunidad.
Ang kwento ay iikot sa pag-asawang Ed (TJ Trinidad )at Irene (Agot Isidro ) kung saan parehas silang mga nars ngunit dahil nga mas malaki ang kita ng nars sa ibang bansa ay nagpasya si Ed na pagsamantalang iiwanan ang pamilya at magtrabaho sa Dubai. Ngunit wala pang ilang buwan na paglisan ni Ed ay nagsisimula na magkaroon ng sakit si Irene, sapagkat may nakikita siyang mga rebelde at mga sundalo noong panahon ng Martial Law ngunit ang di niya alam ay isa na ito sa mga sintomas ng schizophrenia.
Alamin natin kung paano nga ba nalagpasan ni Irene ang sakit na schizophrenia.
Mga simpleng pag-uusisa sa pelikula
Hindi ako fan ni Tj Trinidad kahit na sabihin nating naging parte siya ng Abs-Cbn hanggang sa lumipat siya sa GMA dahil parang masyado raw pa yung akting niya pero nagulat ako kung paano niya nagawang ibahin ang atake niya sa bawat eksena niya dito, hindi ko alam kung dahil ba yun sa galing ni Direk Alvin Yapan, isa sa mga nagustuhan kung eksena dito ni TJ ay kung paano niya suportahan at alagaan sa kabila ng sakit niya.
Kay Agot Isidro wala ako masabi sa akting niya talaga naman nadala ako dito lalong-lalo na sa eksena kung saan may dumadalaw daw umaano sa kanilang bahay na mga rebelbe at yung huling atake ng schizophrenia sa kanya, grabe lang ang intense ng eksena na yun. Kung basa para siyang si Sisa sa galing ng akting niyang iyon.
Papakawalan ko ba ang maliliit na detalye syempre hindi no, special mention kay Carlo Cruz (bilang kapatid ni Ed) kahit na sabihin nating ensemble lang ang dating niya dito ay di pa rin matatawaran ang galing niya sa pag-arte lalong-lalo na sa eksena kung saan nakisakay siya kay Irene na kunwari ay nakikita niya rin ang mga rebelbe at yung nakita niya si Irene na may kinakausap sa hospital kung saan umanoy dinalaw daw siya ng kanyang girlfriend.
Kay Direk Alvin Yapan, di parin ako binigo sa kanyang mga pelikulang ginagawa, mula sa Ang panggagahasa kay Fe at Ang sayaw ng dalawang kaliwang paa kung titignan mo ang kanyang mga ginawa mapapansin mo na gawan gawa niya ay may kinalaman sa nangyayari sa lipunan natin ngaun na di gaano napapansin ng iba marahil naisip din niya na isa ang schizophrenia sa dapat bigyan ng pansin sapagkat di biro ang sakit na ito dahil lifetime ang gamutan. Kaya naman kudos kay Direk Alvin sa mahusay na pagdedeliver at magderik ng pelikulang ito.
Narito ang ilan sa mga larawan sa premier night ng Mga Anino ng Kahapon.
TJ Trinidad and Agot Isidro |
Lead star TJ Trinidad and Agot Isidro |
The cast and staff of Mga Anino ng Kahapon |
The cast, director and the producer |
Agot Isidro and Jimmy Paredes talks about the amazing Mga Anino ng Kahapon |
Bibigyan ko ng 7.9/10 na rating ang Mga Anino ng Kahapon.
Kaya wag na wag mong papalagpasin ang pelikulang ito, malay mo meron ka na ding sintomas ng schizophrenia.
si bossing naaalala ko sa sakit na yan ee
ReplyDeleteanyway mejo unique ang story interisante panuorin
Agot is LOVE!!!
ReplyDelete