Dukit film by: Armando Y. Lao | Review
Dukit ay isang kapampangan word na ibigsabihan sa tagalog ay inukit sa kahoy.
Isa ang Dukit na kasama sa New Wave Category ng Metro Manila Film Festival 2013 o mas kilala bilang MMFF 2013.
Anu nga ba ang kwento ng Dukit?
Ang kwento ng dukit ay tungkol sa isang matagumpay na mang-uukit sa lungsod ng Pampanga at di lamang yun sapagkat sumasalamin din ito sa buhay ng isang ordinaryong Pilipino mang-uukit man o hindi.
Si Waldo ay isang masipag at matagumpay na dukit sa Betis, Pampanga, bata pa lamang siya ay naging mang-uukit na siya ng mga santo sa simbahan, sa murang edad pa lang ni Waldo ay nakaranas na siya ng kahirapan mula sa kanyang ama na iniwan siya para sumama sa kabit nito, ang pagkamatay ng kanyang ina.
Kaya naman si Waldo na ang umako ng lahat ng responsibilidad para sa kanyang 3 babaeng kapatid at hanggang sa mapakasal niya ang kanyang childhood sweetheart na si Bebeng. Di naging madali ang naging sitwasyon nila noong pakasalan niya si Bebeng sapagkat madaling paghihirap ang kanilang tinamo kasama na dito ang pinansal na pangangailangan.
Pero dahil nga likas na maabilidad, talino, disiplina at maniniwala si Waldo at syempre dahil tiwala na binigay sa kanya ng katolikong simbahan sa kanya, kaya naman mula sa pagiging isang simple mang-uukit ay naging kilala at sikat ang mga gawa niya di lamang sa Betis kungdi sa karatig bayan nito.
At syempre mawawala ba naman ba ang isa sa mga naging higlight ng pelikula ang pagpapatawad ni Waldo sa kanyang ama sa mga naging kasalanan nito sa kanya at kanyang ina.
Mga natutunan ko sa pelikulang Dukit.
Una pinakikita dito ang pagmamahal at passion sa iyong ginawa lalong-lalo na kung ito ang dahilan upang mabuhay ka.
Ikalawa lahat tayo nasasaktan at nadadapa pero parte iyon bilang isang tao kaya naman dapat bumangon ka at harapin ang anumang pagsubok na darating.
Ikatlo matuto kang mangpatawad kahit sabihin natin na isa ang pagpapatawad sa mahirap gawin lalo na kung ang isang taong may kasalanan sa iyo ay mahirap matawarin pero sabi nga nila mas masarap sa pakiramdam na wala kang dinadalang mabigat sa loob mo hindi ba? At kung ang Dios nga ay marunong magpatawad tayo pa kayang tao lamang.
Mga simpleng pag-uusisa sa pelikula.
Maraming nasasabi na magulo ang pelikula dahil hindi linear ang mga bawat eksena nito at medyo magalaw ang kamera lalo na may parte ng sayawan at sa inuman session nito ngunit para sa akin maganda ang pagkakalahad nito ika nga ng isang kaibigan kung nanood din "Kahit gusto ko nang lumabas para jumingle ay di ko magawa sapagkat ang bilis ng mga eksena kaya dapat tutok ka at alerto ka", tama nga naman ang kanyang sinabi lalong-lalo ang mga eksena kung saan nakita ni Waldo ang ginagawa ng kanyang ama sa fiesta, masakit ito sa parte ng bata sapagkat ang iyong inaakalang masaya at perpektong pamilya ay hindi pala.
At ang isa sa mga best scene dito ay ang pagsabi ni batang Waldo kay Bebeng na "Bebeng balang-araw papakasalan kita."
Bibigyan ko na rating na 8/10 ang Dukit.

mukang maganda ung story ahh, pero wait ung pic ba totoong tao or sculpture?
ReplyDeletehahaha sculpture lamang siya paps... ang galing no. mukhang buhay na buhay...
Deletenice. feel ko talaga ung story just like the shadows of the past
ReplyDelete