Nakapagpag ka ba? | Pagpag, Siyam na buhay
Hinahandog ng ng Star Cinema at ng Regal Films para sa 39th Metro Manila Film Festival ang isa sa mga naakatakot at nakakakilig na pelikula ng taon ang Pagpag, Siyam na buhay, sa pangunguna ng Teen King at Teen Queen na sila Danile Padilla at Kathryn Bernardo kasama sina Paulo Avelino, Shaina Magdayao, Clarence Delgado, Miles Ocampo, Matet De Leon, Dominic Roque, Cj Navato, Michelle Vito, Janus Del Prado at Marvin Yap.
Mula sa direksyon ni Frasco Mortiz na nagdirek ng Luv U, Going Buliit at sa panulat ni Joel Mercado.
Anu nga ba ang kwento ng Pagpag, Siyam na Buhay?
Ang Pagpag, Siyam na buhay ay hango sa pagpag na pamahiin na hindi dapat dumiretso sa bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaring sumunod ang malas at masamang espiritu.
Ang subtitle naman na Siyam na Buhay ay kumakatawan sa 9 na sikat na pamahiin na kunektado sa kamatayan at mga burol na siyang pinapaniwalaan at sinusunod ng madaming Pilipino hanggang sa mga araw na ito.
May kasabihan na maaring humantong sa labis na kamalasan ang mangyayari sa sino man ang lumabag sa alin man sa 9 na paniniwala.
Narito ang ilan sa mga makikitang mga paniniwala kapag ikaw nanood ng Pagpag, Siyam na Buhay.
1. Bawal hindi magpagpag pagkatapos ng lamay.
2. Bawal magwalis sa burol.
3. Bawal magpatak ng luha sa ataul.
4. Bawal manalamin sa burol.
5. Bawal maguwi ng pagkain.
6. Bawal pumunta sa burol kapag may sugat.
7. Bawal punasan ang luha sa ataul.
8. Bawal nakawin ang abuloy sa burol.
9. Bawal maghatid sa mga nakilamay.
Base sa trailer na nakita ko ang kwento ay iikot sa pagkakabarkada kung saan hindi nila sinunod ang ilan sa mga pamahiin na ito, ayun sa plot may kahindik-hindik na mga pangyayari ang magaganap sa di inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at kanyang mga kabarkada sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga paniniwala at kasabihan. Di namamalayan nina Cedric at Leni na naguwi pala sila ng masama at mapaghiganting espiritu.
Sa Prescon | Cast
Magtutulungan sina Cedric at Lani sa pagasang matatalo nila ang mga kababalaghang na kanilang kinakalaban. Ngunit parami ng parami ang mga napapahamak at nawawalan na sila ng mga paraan upang iligtas ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
Hanggang saan kaya hahantong ang pakikipagtalo nila sa mga masasamang espiritu?
Trivia:
Muling masasama ang bigating film outfit na Star Cinema at Regal Films pagkatapos ng 17 years, una nilang ginawa noong 1993 ang Adan Ronquillo na pinagbibidahan ni Bong Revilla.
Ipapalabas ang Pagpag, Siyam na Buhay sa mga sinehan sa buong bansa simula sa darating na 25 ng Disyembre 2013.
Kita-kits sa sinehan mga kapamilya!
Mula sa direksyon ni Frasco Mortiz na nagdirek ng Luv U, Going Buliit at sa panulat ni Joel Mercado.
Anu nga ba ang kwento ng Pagpag, Siyam na Buhay?
Ang Pagpag, Siyam na buhay ay hango sa pagpag na pamahiin na hindi dapat dumiretso sa bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaring sumunod ang malas at masamang espiritu.
Ang subtitle naman na Siyam na Buhay ay kumakatawan sa 9 na sikat na pamahiin na kunektado sa kamatayan at mga burol na siyang pinapaniwalaan at sinusunod ng madaming Pilipino hanggang sa mga araw na ito.
May kasabihan na maaring humantong sa labis na kamalasan ang mangyayari sa sino man ang lumabag sa alin man sa 9 na paniniwala.
Narito ang ilan sa mga makikitang mga paniniwala kapag ikaw nanood ng Pagpag, Siyam na Buhay.
1. Bawal hindi magpagpag pagkatapos ng lamay.
2. Bawal magwalis sa burol.
3. Bawal magpatak ng luha sa ataul.
4. Bawal manalamin sa burol.
5. Bawal maguwi ng pagkain.
6. Bawal pumunta sa burol kapag may sugat.
7. Bawal punasan ang luha sa ataul.
8. Bawal nakawin ang abuloy sa burol.
9. Bawal maghatid sa mga nakilamay.
Base sa trailer na nakita ko ang kwento ay iikot sa pagkakabarkada kung saan hindi nila sinunod ang ilan sa mga pamahiin na ito, ayun sa plot may kahindik-hindik na mga pangyayari ang magaganap sa di inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at kanyang mga kabarkada sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga paniniwala at kasabihan. Di namamalayan nina Cedric at Leni na naguwi pala sila ng masama at mapaghiganting espiritu.
Sa Prescon | Cast
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla |
Direk Frasco |
Paulo Avelino |
Shaina Magdayao |
Cj Navato, |
Michelle Vito |
Miles Ocampo |
(L-R) Paulo,Shaina,Direk Frasco, Kathryn and Daniel |
Cast of Pagpag, siyam na buhay |
Hanggang saan kaya hahantong ang pakikipagtalo nila sa mga masasamang espiritu?
Trivia:
Muling masasama ang bigating film outfit na Star Cinema at Regal Films pagkatapos ng 17 years, una nilang ginawa noong 1993 ang Adan Ronquillo na pinagbibidahan ni Bong Revilla.
Ipapalabas ang Pagpag, Siyam na Buhay sa mga sinehan sa buong bansa simula sa darating na 25 ng Disyembre 2013.
Kita-kits sa sinehan mga kapamilya!
Na excite na ako kung panu sila lahat mamamatay! hahaha.. Mukhang mala Healing to.. !
ReplyDeletedi ko pa nakikita ung trailer check ko muna mukang scary to
ReplyDelete