Saranggola Blog Awards 2014 | Winners
Isa sa mga pinakahihintay ng lahat ay ang Saranggola Blog Awards dahil dito nagsasalo-salo ang ilan sa mga sikat at mga bigatin mga bloggers. Ito rin ang pagkakataon para makilala ng personal at mga idolo mo kung dati rati ay nakakausap mo lamang sila sa online pwes dito sa Saranggola Blog Awards makikita.
Anyway anu nga ba ang Saranggola Blog Awards o mas kilala bilang SBA?
Ang Saranggola Blog Awards ay isang contest sa internet kung saan gagawa ka ng isang tula, maikling kwento, sanaysay at kwentong pambata. Dito mo paipapamalas ang iyong galing sa pagsusulat gamit ang ating pambansang wika.
Pero bago ko muna sabihin kung sinu-sinu nga ba ang mga nanalo ay nagkaroon muna ng kaunting pagpapakilala sa mga bloggers na dumalo at kaunting mga palaro para naman mas mabuhayan ang mga ito.
At syempre bilang mga bloggers nagbintana na rin si Sir Blue isa sa mga founder ng SBA ng isang guest para sa amin, ang topic ay tungkol sa HIV, oopss wag mag-isip ng masama ha, isa po itong campaign kung saan binibigyan halata ang lifestyle ng mga tao ngaun, dahil ako sa statistic tumataas na daw ang mga bilang mga mga kabataan na nagkakaroon ng HIV dahil sa di tamang lifetsyle.
Para sa iba pang mga detalye tungkol sa bagay na ito maari ninyo po bisitahan ang kanilang official site http://www.loveyourself.ph .
Syempre ito na ang pinakahihintay ng lahat kung sinu nga ba ang mga nanalo ngaun taon para sa Saranggola Blog Awards .
Kwentong Pambata
Unang Karangalan
"Alaala ni Santa" ni Joel Laig ng Tuyog Tinta ng Bolpen
Ikalawang Karangalan
"Gusto Ko Lang Naman Maglaro sa Labas" ni Jemaima Robles ng Tikatik ng Tiklado
Ikatlong Karangalan "Amoy ng Tahanan" ni Czarina Jhannette Ventura
TULA
Unang Karangalan
"Lipat Bahay" ni Emmanuel Barrameda ng Balikwasak
Ikalawang Karangalan
"Talambuhay ng Isang Tahanan" ni Erwin Aguila ng LipadLaya
Ikatlong Karangalan
"Warat" ni Ramil Gubalene ng Blog,Poetry and Notion
Sanaysay
Unang Karangalan
"Bunso'y " ni Shoichi Ida ng Metaporista
Ikalawang Karangalan
"Pagm-AMA-hal" ni Derrick Quibael ng Simpleng Manunulat
Ikatlong Karangalan
"Piring" ni Kevin George Barrios ng Kevincibles
Ikatlong karangalan
"Salamat Inay at Itay" ni Ronnie Mia ng NiteWriter
Maikling Kwento
Unang Karangalan
"Katre" ni Emmanuel Barrameda ng Balikwasak
Ikalawang Karangalan
"Retasa" ni Marie Giselle Dela Cruz ng Omaygash!
Ikatlong Karangalan
"Sampung Piso" ni Jerson Capuyan ng Serendipity101
Para sa iba pang detayle maari lamang kayong pumunta sa official site ng SBA www.saranggolablogawards.com
Narito ang ilan sa mga larawan na naganap noong SBA Awards night
So paano kita-kits na lang ulit tayo next year sa Saranggola Blog Awards, sana this time makagawa na ko ng isang kwento!
Sayang, hindi ko napuntahan ang isang to.
ReplyDeleteNakakatawa naman yung games. Lalo na yung sa boys. Ano kaya reaksyon ni Senyor habang kinakainan siya ng saging? *hahahaha*
Awwww ansaya-saya naman! Congrats na rin sa mga nanalo!!!
ReplyDelete-Steph
www.traveliztera.com
Cool :)
ReplyDeletehaha natuwa naman ako sa mga games, anyways gagaling lage ng mga kalahok sa SBA nu
ReplyDeletenga pla merry xmas happy new year parekoy
Hahaha may kainan portion sayang!
ReplyDeleteCongrats sa lahat ng winner!
ReplyDeleteHappy New Year Axl!