|
Inside the Director's Club Cinema |
Noong ika 28 ng Nobyembre naimbitahan ako para sa soft opening ng bagong bukas na mall sa south ang SM City BF Parañaque na masasabi ko na parang mala SM Aura ang peg ng dating ng SM City BF Parañaque dahil sa mga di mabilang na high-end na established mula sa damit, pagkain, gadgets kung anu-anu pa. Napag-usapan na rin lang din ang high-end syempre di papahuli ang kanilang magandang sinehan kung saan talaga naman mapapawow ka sa ganda ng interior nila at syempre papahuli pa ba ang inyong lingkod para sumubakan ito syempre hindi. Sinimulan namin ang ordinary cinema pagpasok mo pa lamang para kang maninibago sapagkat di siya yung tipikal na movie house dahil maliit lamang ang capacity nito pero maganda na rin yun sapagkat mas magiging komportable ka naman sa habang nanood ka ng mga paborito mong palabas, hindi ba.
|
Opening of the Director's Club Cinema | With Hans Sy and Sm Officials |
Pagkatapos ng ordinary cinema ay sumunod naman ang Director's Club, isa ang Director Club sa mga naging paborito kung puntahan pagnanood kami ng sine ng mga kaibigan ko dahil talaga naman mas relax ka habang nanood ng sine sapagkat feel na feel mo na para ka lamang nasa bahay dahil sa ganda ng upuan at ambiance nito pero dahil nga nasa SM Bf tayo ay iba din ang magiging experience mo sapagkat masasabi kong BOOM at KaBoom ang experience dahil para kang VIP o magfefeeling isang mayaman hindi dahil mahal ang Director's CLub o pagmayaman ang interior ang waiting area o interior mismo sa loob ng Director's Club Cinema kungdi dahil may sarili lang butler, OO tama ang nabasa mo butler mismo kung saan di ka na maghassle pa na lumabas para bumili ng popcorn o ng tubig o maging ang soda sapagkat sa gilid ng iyong upuan ay mayroon isang boton na iyong pipindutin upang tawagin ang iyong butler at sila na mismo ang kukuha nito para sa ito, oh di ba walang hassle at sigurado wala kang mamimiss na eksena habang nanood ka ng iyong paboritong palabas. Kungbaga sulit na sulit ang babayaran mo kung sakali man na manonood ka at susubukan ang Director's Club sa SM BF.
Post Sign:
Dalawa lamang ang regular cinema nila at apat naman ang state of the art digital auditoriums ng Director's Club Cinema
Inside the lobby of Director's Club
|
Director's Club 3 |
|
Director's Club 3 |
|
Special Advance Screening of Ender's Game |
Inside the Director's Club Cinema
|
Lazy Chair |
Kung bibigyan ko ito ng rate marahil ibibigay ko dito ay 7/10.
So paano kita-kits na lang tayo sa SM BF malay mo makasalubong mo ako.
aba sana makapag ganito ako minsan : ) pupuntahan ko yan at i try pagka nasa BF parañaque ako ^_^ promise! hehe
ReplyDeletewow , hi-tech and very trendy ... kaso layo ko diyan he he
ReplyDeleteang sosyal naman! nice mukang mabigat sa bulsa manuod dyan ehh
ReplyDelete