Yaw-Yan, also called Sayaw ng Kamatayan
Napoleon Fernandez, The founder of Yaw-Yan |
Isa sa mga mabisang paraan upang makaligtas ka sa ganung klaseng tradehya ay dapat alam mo kung paano dedepensayan ang iyong sarili hindi ba? At isa sa mga natutunan ko nga araw na yon ay ang sayaw ng kamatayan o mas kilala bilang Yaw-Yan.
Ang Yaw-Yan (Sayaw ng Kamatayan) ay isang uri ng kickboxing na developed ni Napoleon Fernandez noong 1970's na base naman sa sinaunang Filipino Martial arts.
Interesting hindi ba? Kung titignan mong mabuti akala mo madali lamang siyang gawin ngunit hindi sapagkat kailan mo talaga ng matinding disiplina para dito sapagkat dito nakabase kung hanggang saan nga ba ang tunay mong lakas base sa iyong katawan.
Natutuwa nga ako at naimbitahan ako ng isang kaibigan upang saksihin ang annibersyo ng Yaw-Yan at ang kaarawan ng founder nito na si Napoleon Fernandez,
Isang simpleng salo-salo lang naman ang naganap at syempre ipinakita din dito kung paano nagsimula si Napoleon Fernandez sa mundo ng Yaw-yan at kung paano ito naging isang matagumpay na master sa kanyang napiling larangan. Maliban pa dito ay nagpakita din ng iba't-ibang uri ng Yaw-yan ang mga bawat chapter nito sa bansa.
Narito ang kuhang video noong nakaaang annibersyo ng Yaw-Yan.
Pagkatapos nito ay pinakilala na ang mga bagong graduates ng Yaw-Yan kung saan natapos nila ang lahat ng session na dapat tapusin at ang ilan sa mga coach ay nabigyan ng pagkakataon upang maging opisyal ng master sa kanilang chapter.
Kaya ikaw bakit hindi mo subukan ang Yaw-Yan, hindi lamang ito pang-self defense kundi para din ito sa iyong sarili upang mas mapaunlad mo pa ang iyong disciplina sa katawan.
Kung interesante ka naman maari mo silang puntahan sa 18 Vatican Building 3rd Floor Vatican Drive Las Piñas, Philippines o hindi kaya tumawag sa kanilang numerong 0917 325 2527.
So paano kita-kits tayo sa Yaw-Yan Alasan kung sakaliman.
para syang Capoeira pero mag tyako...sa dami ng mga krimen at holdapan satin ngaun.. maigi na na alam mo kung pano depensahan ang sarili mo mapalalaki ka man o babae
ReplyDelete