Movie Review : Silong (Cinemalaya XI)
Silong ay isa sa pinakabagong entry ng Cinemalaya XI sa taong ito, maraming nagsasabi na bakit nga ba walang full length at new breed sa Cinemalaya ngayon taon marahil alam na ng tagasubaybay nito ang rason at hindi na kailan pa man ng paliwagan dito.
Kaya naman mas pagtuunan natin ng pansin ang Silong ngayon na sila sa mga bagong palabas sa Cinemalaya (hindi ko sinasantabi ang mga lumang palabas ng Cinemalaya sapagkay worth-it naman panoorin ito lalo't pa award winning ang mga ito), ang kwento ng Silong ay magsisimula sa bahay ni Doctor Miguel Cascarro (Piolo Pascual) kung saan nagkakaroon siya ng problema kung ibebenta ba niya ito o hindi sapagkat baon na sa utang ang bahay at sasamahan pa ng pagdadalamhati niya sa kanyang mahal na asawa na si Caroline (Angel Jacob). Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Valerie (Rhian Ramos) sa daan habang papauwi si Miguel sa kanilang tahanan. Dito na iikot ang kwento nilang dalawa,
At hindi ako pwede magbigay ng mga kakaibang mangyayari sa Silong sapagkat mawawala ung trill kung manonood kayo ng Silong.
Kaya naman mas mainam siguro na pag-usapan natin ang akting skill ng dalawang lead cast na sina Piolo Pascual at Rhian Ramos.
Simulan natin kay Rhian Ramos, akala ko noong una magiging isang ordinaryong palabas lamang ang Silong sapagkat nakakapanood na rin ako ng ilan mga palabas na katulad nito at ang mas kinagulat ko ay kasama si Rhian dito, kaya naman napaisip ako kung paano nga bang atake ang gagawin ni Rhian Ramos sa kanyang karakter na si Valerie sapagkat napapanood ko siya sa kanyang mga teleserye sa GMA7 masasasabi kong under-acting siya dun, hindi ko alam kung nakukulangan lang ba ako sa kanya o sanay na akong nakikita siyang ganun na lamang ang pag-arte ngunit subalit sa isang eksena sa Silong napabilib niya ako sa kanyang angking talento sapagkat nakuha niya ang aking atensyon noong nasa kalagitnaan na ng kwento kung saan bigla na lamang nagkaroon ng kakaibang shift si Valerie (na dapat ninyong abangan). Kaya naman laking tuwa ko sapagkat nakuha na ni Rhian ang gusto ko sa isang aktress ung may buhay ang mata kahit paano hindi yung katawan lamang ang umaarte.
Syempre bibigyan ko din ng isang maraming palakpak si Direk Jeffrey Hidalgo at Direk Roy Sevilla Ho sa mahusay na maggabay sa pag-arte ni Rhian at sa cinematography nito na napakaganda lalo na sa isang eksena kung saan binubugbog na si Rhian ng kanyang asawa.
Kay Piolo Pascual naman wala akong masasabi sa kanyang sapagkat talaga naman total package na siya bilang isang aktor, kumbaga nagagawa niya ang lahat ng karakter at mga eksenang kailangan sa palabas isa sa mga naging paborito kong eksena dito ay ang pangbungad na eksena ng palabas kung saan iniisip niya ang kanyang asawa habang siya ang kumain, Medyo weird ung eksena na yun pero maganda.
Bago mawala sa aking isipan mayroon tatlong twist sa Silong at mas dapat ninyong abangan yung nasa dulo!
Movie Rate : 3.5 / 5
Mapapanood ang Silong sa darating na Agusto 14, 2015 sa Cultural Center of the Philippines sa ganap na 9;00 ng gabi, so alam ninyo na ang gagawin. Kita-kits tayo sa Cinemalaya XI.
Support Indie Film! Support Cinemalaya!

Ang cute ni Rhian ♥♥ I've heard na ito yung first movie nya na she will do a love scene
ReplyDeleteyes ito nga yun..
DeleteGood thing na maganda ang acting ni Piolo dito. Hindi kasi ako natuwa sa last movie niya na Break Up Playlist.
ReplyDeleteyea,,, medyo pang teens ang atake niya sa breakup eh.
Delete