#PopePular Pa'no Kung Pinoy Si Kiko : A Filipino Musical by Philippine Stagers Foundation

#PopePular Pa'no Kung Pinoy Si Kiko??? Oo nga paano nga ba kung ang ating Santo Papa ang isang Filipino? At nakapagsasalita siya ng tagalog o ng iba't-bang dialekto ng Pilipinas? Na isip mo ba ang mga bagay na iyon???


Siguro kung nangyari ang mga bagay na iyon maraming mga Pinoy ang matutuwa lalo't pa ang Pilipinas ang isa sa malakas ang pananampalatay sa Dios.

Teka nga muna bakit nga ba ito ang naging paksa ko sa blogpost na ito? Simple lang naman sapagkat nitong nakaraang araw ay sunod-sunod na nagbubukas ang mga iba't-ibang mga teater produksyon kung saan kasama na dito ang Philippine Stagers Foundation. At ang kanilang pangbungad ay isang maganda, may kwenta, may istorya, may nilalaman at higit sa lahat pwede sa kahit sinong manonood. Sapagkat ang kanilang opening season ay tungkol kay Pope Francis kung saan tampok si Pope Francis bilang isang Pinoy nguit kung titignan mong mabuti ay may twist sa istorya.


Kung tutuusin ang dulang ito ay di lamang sumasalalim sa kwento ni Pope Francis. Mas mahalaga dito ay ang pagsagot ng tanong :  Pa'no Kung Pinoy Si Kiko??? Sasagutin ng dulang yan sa pamamagitan ng iba't-ibang buhay ng limang makabagong bayaning Pilipino at kung ano si Pope sa mata nila.

Tara samahan mo akong kilalanin kung "Pa'no kung Pinoy si Kiko?"

Sino-sino nga ba ang limang bagong bayani ng bayan?

Ang limang makabagong bayaning Pilipino ngayon ay sina Joey Velasco, Kristel Mae Padasas, Dr. Edgardo Gomez, Ronald Gadayan at PO1 Mark Lory Clemencio.

Ang limang karakter na ito masasabi sobrang akong natouch, hindi lamang yun sapagkat naiyak din ako sa dulaang ito at sa mga di nakakaalam ito ang ikalawa kong pagluha sa isang teatrong palabas na ang ibig sabihin lamang ito ay may lamang ang kwento. Kung baga sa isang pagkain ay di lamang puro hangin ang nasa loob kungdi totoong laman.

Masasabi ko na ang bawat karakter na itinampok ng #PopePular Pa'no Kung Pinoy Si Kiko : A Filipino Musical ay pinagisipan at hinahabi ng tama at naaayon sa kamalayan ng bawat Pilipino, sino nga ba ang di makakakilala sa limang bagong bayani ng bayan na siyang nagbigay sa akin ng husto para makilala sila ng lubusan.


Isa sa mga masasabi kung nakarelate ako ng husto ay si Joey Velasco at Ronald Gadayan sa mga di nakakaalam si Joey Velasco ay isa sa mga mahusay na pinto at tinaguriang "Heart-ist" na puminta ng "Hapag ng Pag-asa", ang makabagong The Last Supper kung saan nasa gitna ang Panginoong Hesus at ang mga gutom na street children bilang 12 apostoles at si  Ronald Gadayan ang mahirap na janitor sa NAIA na nagsauli ng bag ng naglalaman ng 18 Million worth ng mga alahas at cash.


Di ko alam kung bakit relate na relate ako sa kwento nila marahil siguro naranasan ko na din ang ilan sa mga naganap sa kanilang buhay lalong-lalo na sa parte ni Sir Ronald kung saan pinagbintangan pa siya na may kinuha sa bag after niya itong ireport sa taas, isa sa mga nagpatayo ng balahibo sa akin ay ang kanyang katagang iniwan na, ""Oo, mahirap lang ako pero hindi ako magnanakaw" sa isip-isip ko ng time na yun iba talaga ang inisip ng mga tao pagmahirap ka lamang, sobrang sakit nun lalo na kung paparatanga ka na isang bagay na hindi mo naman ginawa,

Kaya naman di na ako magtataka pa kung papatok itong dulaang ito sa estudyante o sa ibang manood.

Kaya naman kung gusto mo rin malaman kung bakit ako napaluha ng dulaang ito aba panoorin mo na sila bago pa mahuli ang lahat.


Narito ang listahan ng mga lugar kung saan pwede mong mapanood ang #PopePular Pa'no Kung Pinoy Si Kiko : A Filipino Musical.

Aug 1 -Centerpoint 11-2 / Aug 2 -Centerpoint 8-11-2 / Aug 4- NorthEdsa 8-11-2-5 / Aug 5- NorthEdsa 8-11-2-5 / Aug 6- NorthEdsa 8-11-2-5 / Aug 7- NorthEdsa 8-11-2-5 / Aug 8- NorthEdsa 8-11-2 / Aug 9- NorthEdsa 8-11-2-5 / Aug 15- SouthMall / Aug 16- SouthMall / Aug 17/18 Cabanatuan City / Aug 19 /20/21 Pampanga / Aug 22- Centerpoint 8-11-2 / Aug 23- Centerpoint 8-11-2 / Aug 29- Laguna / Aug 30- Pasigueño/ Aug 31- NorthEdsa

Muli congrats sa bumubuo ng Philippine Stagers Foundation mula sa magagaling na cast na pinangungunagan ni Direk Vince Tanada hanggang sa mga creative at sa staff nito.

So paano kita -kits na lang tayo sa loon ng teatro.

Para sa iba pang mga larawan ng #PopePular Pa'no Kung Pinoy Si Kiko : A Filipino Musical tumungo lamang sa opisyal fanpage ng AXLPowerhouse

Comments

  1. lalo tuloy ako na-excite panuorin to... unfortunately.. Filipinas 1941 ang play nila sa Southmall this August 15 and 16 pero I was informed na meron sila sa September 26.. sa Tanghalang Pasigueno

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts