Catching-up again with Florante at Laura
Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng isang kwento puno ng hinagpis, sakit at madamdamin pag-iibigan nina Florante at Laura kung saan isinulat ito ng isang magaling na Francisco Baltazar o mas kilala bilang Francisco Balagtas na tinuturing isang mahusay at magaling na manunulat. Sa mga di nakakaalam maliban sa Florante at Laura sinulat din niya ang Don Nuño at Selinda, Auredato at Astrome, Clara Belmore, Abdol at Misereanan at maraming pang iba lahat ito ay isang uri ng komedya.
Anu nga ba ang komedya?
Ayon sa aking pagkakatanda ang Komedya ay isang dulang patalata na gumagamit ng nakaugaliang marcha sa pagpasok at paglabas, maliban pa dito ang madalas na tauhan sa komedya ay ang mga Kristyano at Moro.
Ngayon dumako naman tayo sa usaping Florante at Laura na handog ng Gantimpala Theater Foundation.
Marahil siguro hindi ko na kailan pa ilahad ang kwento ng Florante at Laura dahil noong nasa Highschool pa tayo ay tinalakay na ito sa atin ng guro sa Filipino pero kung hindi mo alam ng kwento naku mas mainam na basahin mo uli ito at namnamin ang bawat kabanata nito pero kung tamad ka naman aba may solusyon para sa bagay na iyan ang panoorin ang Florante at Laura ng Gantimpala Theater Foundation sa STAR THEATER, STAR CITY: August 7 (Fri.) – 9 am, 12 pm, 3 pm; at CINEMA 3 , SM SOUTHMALL August 14 (Fri.), August 15 (Sat.) – 11 am, 2 pm.
Pero bago muna yan magbibigay muna ako ng simple review ko dito sa Florante at Laura ng Gantimpala Theater .
I admit laking Gantimpala Theater ako sapagkat sila ang napili ng aming paaralan upang maging partner sa lahat ng play mula Ibong Adarna hanggang El Filibusterismo kaya naman malaki ang expectation ko pagdating sa kanila at sila rin marahil ang dahilan kung paano ako nahubog sa pagkausisa sa mundo ng teatro. Kaya naman noong muli kong panoorin ang dulaan ito ay sumariwa sa akin ang ilan mga alaala noong ako ay nasa highschool pa lamang at pinapanood sila. Masasabi ko malaki ang naging improvement ng play hindi dahil iba na ang mga gumaganap sa mga tauhan na napanood ko kundi mas naintindihan ko na ng lubusan ang kwento at malinaw na naitawid nila ang dapat.
Bibigyan ko din ng puntos si King Urieta sa mahusay na opening spiel at pagbigay ng patuntunan sa loob ng teatro maliban pa dito siya rin ang tagapagsalaysay ng kwento.
Tara simulan natin bigyan ng kaunting paglilitis sa apat na tauhan ng Florante at Laura.
Si Paul Jake Paule bilang Florante, aaminim ko noong simula ng first act medyo nakukulangan ako sa kanya di ko alam kung bakit pero alam ko binigay niya ang lahat sapagkat nakikita naman yun sa kanyang pag-arte marahil siguro iniisip ko ung gumanap na Florante noon. Ngunit subalit ng dumating na ang hinihintay kung eksena boom nakita ko na si Florante hindi na si Paul Jake Paule dahil nailabas na niya ang karakter na gusto ko at isa pa paborito kong kabanata na iyon. Naging tuloy-tuloy na pagkatapos ng eksena na iyon kumbaga sa pagkain akala mo nakakaumay na pero pagnasa gitna sobrang sarap at talagang uubusin mo.
Si Elirica Laguardia bilang Laura gusto ko ung pag-arte niya sa kanyang karakter ang hinhin ng kanyang mga kilo yung tipong masasabi mo na ito, ito ung tunay na Maria Clara noon na dapat tularan ng mga kabataan ngayon na hindi puro pabebe at maagang umiibig ng wala pa sa wastong gulang.
Jeff Carpio bilang Aladin, lumabas na siya sa ikalawang act pero natural lamang iyon sapagkat nakabase naman talaga ito sa sinulat ni Francisco Balagtas masasabi ko sa akting niya medyo kontrolado niya ung pag-arte niya, hindi siya masyadong magalaw pero ang gusto ko kung paano niya ibigkas ang bawat salita na kanyang binibitiwan na talaga naman magbibigay ka ng atenyon sa kanyan lalo na sa isang eksena kung saan ililigtas niya si Florante.
Ira Ruzz bilang Prinsesa Florida, gusto ko kung paano siya kumilos sapagkat nakuha niya ang gusto kung karakter bilang isang babaeng muslim sapagkat ipinapamalas niya dito na hindi lamang ako isang babae kundi isa akong babaeng marunong lumabas sa ngalan ng pag-ibig.
Bibigyan ko din ng espasyo si Ace Urieta bilang Adolfo, ang dakilang kontra-bida una ko siyang nasilayan sa isang stage play ng Artist Playground doon pa lamang ay napahanga na niya ako sa kanyang disiplina sa pag-arte kaya naman, hindi na ako magtataka pa kung bakit ang husay niya magdala ng kanyang karakter lalo pa hindi ito ung tipikal na kontra-bida na matalinong masama, kundi isang matapang ngunit medyo may kaunting sablay.
Syempre kudos din sa mahusay na direktor na si Roeder Camanag sa maayos, madisiplinang pagsasabuhay ng Florante at Laura at nasabi ko nga sa kanya noong nagkita kami na proud Gantimpala baby ako, kaya hindi ko talaga maiwasan na balikan ang lahat.
Para sa iba pang detalye Florante at Laura ng Gantimpala Theater tumawag lamang kayo sa GANTIMPALA Marketing Office at tel. numbers: 998-5622 and 872-0261 or text at mobile number 0921-251 3733 or send email to gantimpalatheatermarketing@yahoo.com.
Para sa iba pang mga larawan ng Florante at Laura ng Gantimpala Theater tumungo lamang po sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.
Anu nga ba ang komedya?
Ayon sa aking pagkakatanda ang Komedya ay isang dulang patalata na gumagamit ng nakaugaliang marcha sa pagpasok at paglabas, maliban pa dito ang madalas na tauhan sa komedya ay ang mga Kristyano at Moro.
Ngayon dumako naman tayo sa usaping Florante at Laura na handog ng Gantimpala Theater Foundation.
One of the awesome scene in Florante at Laura |
Pero bago muna yan magbibigay muna ako ng simple review ko dito sa Florante at Laura ng Gantimpala Theater .
I admit laking Gantimpala Theater ako sapagkat sila ang napili ng aming paaralan upang maging partner sa lahat ng play mula Ibong Adarna hanggang El Filibusterismo kaya naman malaki ang expectation ko pagdating sa kanila at sila rin marahil ang dahilan kung paano ako nahubog sa pagkausisa sa mundo ng teatro. Kaya naman noong muli kong panoorin ang dulaan ito ay sumariwa sa akin ang ilan mga alaala noong ako ay nasa highschool pa lamang at pinapanood sila. Masasabi ko malaki ang naging improvement ng play hindi dahil iba na ang mga gumaganap sa mga tauhan na napanood ko kundi mas naintindihan ko na ng lubusan ang kwento at malinaw na naitawid nila ang dapat.
King Urieta |
Tara simulan natin bigyan ng kaunting paglilitis sa apat na tauhan ng Florante at Laura.
Si Paul Jake Paule bilang Florante, aaminim ko noong simula ng first act medyo nakukulangan ako sa kanya di ko alam kung bakit pero alam ko binigay niya ang lahat sapagkat nakikita naman yun sa kanyang pag-arte marahil siguro iniisip ko ung gumanap na Florante noon. Ngunit subalit ng dumating na ang hinihintay kung eksena boom nakita ko na si Florante hindi na si Paul Jake Paule dahil nailabas na niya ang karakter na gusto ko at isa pa paborito kong kabanata na iyon. Naging tuloy-tuloy na pagkatapos ng eksena na iyon kumbaga sa pagkain akala mo nakakaumay na pero pagnasa gitna sobrang sarap at talagang uubusin mo.
Si Elirica Laguardia bilang Laura gusto ko ung pag-arte niya sa kanyang karakter ang hinhin ng kanyang mga kilo yung tipong masasabi mo na ito, ito ung tunay na Maria Clara noon na dapat tularan ng mga kabataan ngayon na hindi puro pabebe at maagang umiibig ng wala pa sa wastong gulang.
Si Florante at Si Aladin |
Ira Ruzz bilang Prinsesa Florida, gusto ko kung paano siya kumilos sapagkat nakuha niya ang gusto kung karakter bilang isang babaeng muslim sapagkat ipinapamalas niya dito na hindi lamang ako isang babae kundi isa akong babaeng marunong lumabas sa ngalan ng pag-ibig.
One of the intense scene |
Syempre kudos din sa mahusay na direktor na si Roeder Camanag sa maayos, madisiplinang pagsasabuhay ng Florante at Laura at nasabi ko nga sa kanya noong nagkita kami na proud Gantimpala baby ako, kaya hindi ko talaga maiwasan na balikan ang lahat.
Para sa iba pang detalye Florante at Laura ng Gantimpala Theater tumawag lamang kayo sa GANTIMPALA Marketing Office at tel. numbers: 998-5622 and 872-0261 or text at mobile number 0921-251 3733 or send email to gantimpalatheatermarketing@yahoo.com.
Para sa iba pang mga larawan ng Florante at Laura ng Gantimpala Theater tumungo lamang po sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment