UNTV Life Anniversary Launch

Sabi nga nila maraming nagbabago sa isang minuto ilang o isang saglit pero ang pagbabago na iyon ay hindi ibig sabihin ay masama na kundi isang magandang simula. Simula ng isang mas magandang hinaharap para sa iyo at para sa paligid mo.


Kahapon lamang (Agosto 25, 2015) naganap ang isang pagbabago sa mundo ng telebisyon kung saan ang isa sa mga UHF television ng Pilipinas ay nag-iba ng landas, isang landas patungo sa mas malawak, kapakipakinabang at higit sa lahat maayos na public service sa pamamagitan ng UNTV, oh uunahan ko na kayo hindi ito paid post o sponsor post o isang pang-eendorso katulad ng iba kundi ang issulat ko ay isang karanasan na naganap kahapon.
Kung tutuusin bihira lang naman talaga ako manood ng tv sapagkat mas nakatuon ang aking atensyon sa pagbabasa ng mga aklat o hindi naman kaya ay magkuha ng mga larawan sa paligid gamit ang aking munting kamera, pero sa pagkakataon na ito isang simpleng smart phonecam lamang ang aking ginamit at kagaya ng aking nabanggit ay nanood ako at ienjoy kung anu man ang magiging masabog ng UNTV na ito.


Pagpasok ko pa lamang sa loob ng MOA Arena nagulat ako at the same time ay napaisip na anu yun? ganun lang yung stage nila tapos isang box na malaki? Nasabi ko ulit naku bahala na kung anu ang mangyayari sa loob at ieenjoy ko na lamg kung anu man yun.

Una puro kantahan ng mga ilang mga indie artist at mga kilala personalidad sa mundo ng Original Pilipino Music o mas kilala bilang OPM katulad nila Rachel Alejandro, Gwyneth Dorado, Kris Lawrence, Joshua Dionisio at 5th Gen.


Syempre nagkaroon din ng pagpapakilala ng mga personalidad sa likod ng programa ng UNTV at ipinakilala din nila ang mga bagong program nila katulad na lamang ng  Playbook, Troy on the job at maliban pa dito ay nagkaroon ng pagbabago sa ilang show ng UNTV Life kasama na dito ang  Good Morning Kuya, Bread N' Butter, Cook eat right, 911-untv, easy lang yan at Get it straight.

Narito ang video highlights ng naganap na UNTV Life Launch at anniversary.


So paano hanggang dito na lamang ako, kita-kits tayo sa susunod malay mo ikaw naman ang akin imbitahin sa ganitong pagtitipon.

Maraming salamat pala kay Rodel Flordeliz ng NognogInTheCity sa imbitasyon upang saksihan ang makulay at kakaibang ganap na ito,

Para sa iba pang mga larawan tumungo lamang kayo sa AXLPowerhouse fanpage.


Comments

Popular Posts