Theater Review : La Cage Aux Folles - Manila by 9Works Theatrical

Sabi nga nila sa sa mundong ito maraming pwedeng mangyari sapagkat bawat segundo ay nag-iiba at patuloy na umiikot, hindi lamang sa iyo kundi sa iba.


Yan ang nasabi ko pagkatapos kung panoorin ang isang masaya, puno ng halakhakan, sayawan, bonggacious na damit at iba pa, hindi ko lubos akalain na ganun nga kaganda ang production value ng palabas na iba, oo aminin ko walang akong idea kung anu nga ba ang content ng palabas na iyon.

Sapagkat sa una pa lamang ay hindi ako nagresearch ukol dito sa kadahilanan na ayaw ko magbigay ng expectation sa makikita ko sapagkat maraming beses na iyon nangyari sa akin palagay.

Anu nga ba itong tinutukoy ko na palabas at mukhang interesante batay na rin sa akin nasabi, walang iba kundi ang  La Cage Aux Folles - Manila ng 9Works Theatrical.

Aktuli hindi na ito ang una nilang palabas sapagkat ito ay rerun na dahil sa matagumpay na pagpapalabas nito noong nakaraang buwan ng Pebrero lamang kung tama ang aking pagkakaalala.

Anu nga ba ang kwento ng La Cage Aux Folles???




Ang La Cage Aux Folles ay base sa Jean Poiret's 1073 French play na may kapareho din ngalan at nagkaroon din ito ng movie adaption noong 1978. Ang kwento ito ay sumasalalim ang dalawang taong nagmamahal na may parehas na kasarian (parehong lalaki) at ang isa sa kanila ay may anak na lalaki kung saan papakasalan nito ang kanyang nobya ngunit nagkaroon ng isang problema sapagkat ang magulang ng kanyang mapapangasawa ay nagmula sa isang konserbatibong pamilya kaya naman nagkaroon ng iba't-ibang mga sangay ng problema. Ngunit kagaya ng nakakaraming istorya may happy ending pa rin, ika nga nila may forever!!!


Tara simulan na natin ang akin munting review patungkol sa  La Cage Aux Folles - Manila by 9Works Theatrical.

Marami na ang nasabi sa akin na maganda ang  La Cage Aux Folles - Manila sapagkat sa stage prodution pa lang ay makikita mo na pinag-isipan ang mga bawat detalye nito at ang mga ilaw talaga naman nagbibigay ng ningning sa bawat tauhan na lalabas sa entablado.

Aaaminin ko na ito ang aking unang pagkakataon na makapanood ng isang palabas mula sa 9Works Theatrical kaya hindi ko alam kung anu ang magiging reaskyon ko sa kanilang bersyon ng La Cage Aux Folles pero kagaya ng nasabi ko masaya at maganda nga raw ito.


Nagsimula na ang palabas na binuksan ni Michael De Mesa na aninoy isa talagang kabaret ang lugar na mag nagsasayawan sa saliw ng isang tugtog na aninoy dinadala ka sa ibang lugar, isang tugtog na maari mong makalimutan manandalian ang iyong mabigat na problema. Sapagkat ang bawat eksena na nakikita mo sa entablado na iyon ay puno ng tawanan, kasihanan at hagalpakan ika nga nila walang oras na masasayang pagpinanood ko sila. Pero syempre hindi lang naman yun ang mga mangyayari sapagkat iikot pa din ang istory sa isang pamilya kung saan noong panahon na iyon ay masasabi natin konserbatido ang mga tao sapagkat isang malaking kasalanan ang magkaroon ng kinakasama na kapareho ng iyong kasarian. Kaya naman gumawa ng paraan sina George (Michael De Mesa) at Albin /Zaza (Audie Gemora) kung paano nila malulusutan ang magulang ni Anne sapagkat ang kanilang mahal na anak na si Jean (Steven Silva) ay ikakasal na.


I must admit akala ko noong una parang ordinaryong play na may kasamang komedi lamang ito pero kung bibigyan mo ng pansin ang laman ng kwento doon mo makikita na malaki talaga ang naitutulong ng pagmamahal sa isang tao, gagawin niya ang lahat upang maging masaya lamang isa kahit na nasasaktan siya sa kanyang gagawin at higit sa lahat dapat maging totoo ka sa iyong sarili lalo't pa kung ang nasa paligid mo ang maraming humahadlang.

Kudos sa bumubuo ng 9Works Theatrical sa masaya ngunit malaman na kwento na iyong binabahagi sa lahat ng manonood lalo na ngayon na sa ibang parte na mundo ay legal na ang kasal para sa parehong kasarian.

Narito ang ilang piling eksena na iyong makikita pagpinanood mo ang La Cage.


Mapapanood ang La Cage Aux Folles - Manila simula Aug 22 hanggang Sept 6, 2015 sa RCBC Plaza, Makati City.

Para sa iba pang mga detalye patungkol sa La Cage Aux Folles - Manila maari lamang kayong tumawag sa 0917-554-5560, 586-7105 o hindi kaya mag-email sa info@9workstheatrical.com.

So paano kita-kits na lang muli tayo sa  La Cage Aux Folles - Manila by 9Works Theatrical.

Para sa iba pang mga larawan na naganap sa Media Preview nito ay maari lamang kayong tumungo sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.

Comments

Popular Posts