Starmobile release the first digital tv phones entitled Up Vision, UP Max and Knight Vision

Noong nakaraang Hunyo 02, 2015 nasaksihan ko ang isa sa mga pinakamahalagang event ng Starmobile, walang iba kundi ang paglaunch ng kanilang first Digital Television phones o mas kilala sa tawag na DTV Phones.
Starmobile DTV phones
Alam naman natin lahat nasa darating na taon ay require na ang lahat  ng television network na magshift sa digital tv mula sa analog tv kung tutuusin nga ay huli na tayo sa pagshift sapagkat sa karatig nating bansa sa Asia na nakaDigital TV na. Sa madaling sabi ay nahuhuli na tayo sa ganitong teknolohiya ngunit sabi nga ng karamihan kahit huli mahihahabol din at ito na nga iyon sapagkat nasimulan na ng ABS-CBN ang kanilang shifting sa digital tv ng paunti-unti sa pamamagitan ng ABS-CBN TVPlus, hindi ba? At syempre susunod na rin ngayon taon ang GMA Network at TV5. Pero pagdating naman sa mga mobile devices nauna ng naglungsad ang isa sa sikat na pinoy mobile brand ng bansa ang Starmobile.

Kaya naman noong araw din iyon ipinakilala sa amin ang kanilang tatlong DTV Phones na kung saan meron na itong DTV Channels na nakahanda. Hindi mo na kailangan pa connect sa wifi o gumamit ng simcard para lamang mapanood mo ang paborito mong palabas sa TV ngayon.

Hindi lamang yun sapagkat ang kanilang DTV Phones ay pwede rin magrecord ng iyong paboritong palabas sa isang pindot lamang, oh hindi ba? Kumbaga may reply ka na.

Narito ang tatlong uri ng Starmobile DTV phones nila.

Starmobile UP Vision

Specs ng Starmobile UP Vision
  • OS: Android 4.4 Kit Kat
  • Dual Sim ready – mirco and regular sim
  • Processor: 1.3 ghz Quad Core ARM Cortex A7 
  • Chipset: Mediatek MT6582
  • GPU: Mali-400MP2 @ 500 Mhz
  • Display: 4.7 inch IPS Multi Touch HD 720x 1280 pix 16M colors
  • Network, 2G, 3G HSPA
  • Memory: 1GB RAM
  • Storage: 8GB with up to 32GB expansion micro sd slot
  • Camera: Rear – 13 MP Sony BSI with f2.0 and blue glass filter, Front – 8MP FF Samsung with front flash
  • Connectivity: Wifi, ISDTB DTV, FM, 
  • Battery: 1800 mah 
Ang presyo ng Starmobile UP Vision ay  PHP 5,990.00 ito ang murang dtv phone ng starmobile.

Starmobile UP Max

Specs ng Starmobile UP Max
  • OS: Android 5 Lollipop
  • Dual Sim ready – mirco and regular sim
  • Processor: 1.3 ghz Quad Core ARM Cortex A7 
  • Chipset: Mediatek MT6582
  • GPU: Mali-400MP2 @ 500 Mhz
  • Display: 5 inch IPS Multi Touch HD 720x 1280 pix 16M colors
  • Network, 2G, 3G HSPA
  • Memory: 1GB RAM
  • Storage: 16GB with up to 32GB expansion micro sd slot
  • Camera: Rear – 13 MP AF Sony Exmor RS IMX135, Front – 5MP AF
  • Connectivity: Wifi, ISDTB DTV, FM, 
  • Battery: 5000 mah 
Nagkakahalaga naman ng PHP 7490.00 ang Starmobile UP Max.

Starmobile Knight Vision
Ito naman ang Starmobile Knight Vision na nagkakahalaga naman ito ng Php 9,990.00

Specs ng Starmobile Knight Vision
  • OS: Android 4.4 Kit Kat
  • Dual Sim ready – mirco and regular sim
  • Processor: 1.3 ghz Quad Core ARM Cortex A7 
  • Chipset: Mediatek MT6582
  • GPU: Mali-400MP2 @ 500 Mhz
  • Display: 5.5 inch IPS Multi Touch HD 720x 1280 pix 16M colors
  • Network, 2G, 3G HSPA
  • Memory: 2GB RAM
  • Storage: 16GB with up to 64GB expansion micro sd slot
  • Camera: Rear – 13 MP AF Sony IMX Exmor RS w/ OIS, Front – 8MP AF Sony
  • Connectivity: Wifi, ISDTB DTV, FM, 
  • Battery: 2450 mah 
Isa sa mga natutuwa ako sa Starmobile ang magiging agresibo nila sa mga pagbabago, ika nga nila lahat ng bagay nagbabago maliban na lang sa salitang pagbabago. Bago ko makalimutan di lamang sa Pilipinas ka pwede manood ng DTV pati na rin sa ibang bansa pwedeng-pwede sapagkat ang ibang bansa ay nakaDTV na siguradong-sigurado na masasagap ng starmobile dtv phones ang signal ng mga DTV Network sa bansang iyong pupuntahan.

Oh di ba? Saan ka pa ngayon niyan lalo na ngayon hit na hit ang mga teleserye sa ating bansa at sigurado ako na dapat wala kang papalagpasin na episode hindi ba? Kaya magStarmobile ka na!

Para sa iba pang mga impormasyon tumungo lamang sa kanila opisyal na facebook page na https://www.facebook.com/starmobilephones o hindi kaya sa kanilang website na www.starmobile.ph

Comments

Popular Posts