Manila Improv Festival ay isa sa mga masasayang mangyayari sa buwan na ito, isang festival kung saan magsasama-sama ang ilan sa mga magagaling na aktor at aktress sa Pilipinas at iba't-ibang dako ng mundo.
|
Silly People's Improv Theatre or SPIT |
Isa sa mga magtatanghal sa Manila Improv Festival ay ang Silly People’s Improv Theatre o mas kilala bilang SPIT, isa sa country's premiere improvisational theater group known for their smart and incisive brand of comedy at hindi lamang yun ang SPIT ay isa sa mga pinakamagaling na improv comedy troupes sa Asya. Patunay lamang yan na ang galing ng mga Pilipino pagdating sa mundo ng teatro, di na ako magtataka sa bagay na iyon sapagkat ang SPIT ang nag-iisang representative ng Pilipinas sa Los Angeles, Beijing and Hongkong Festival at sa Improv Festival sa New York, Chicago at marami pang iba. Ang pinarecent nga nila ay ang Amsterdam Improv Festival na ginanap noong buwan ng Enero ngaun taon.
Kaya naman noong nabalitaan ko ang mga ganitong bagay ay agad kung tinanggap ang imbitasyon at suriin kung anu nga ba ang improv sapangkat bago lamang iyo sa akin kahit na sabihin natin madalas akong nanonood ng teatro sa iba't-ibang mga produksyon.
Pagpasok pa lamang sa venue ng launching ng Manila Improv Festival 2015 pasabog kaagad sila sapagkat bubulaga sa iyo ang isang maingay na "One Chance Only, Only One Chance" at ang syempre ang isa sa mga all time favorite na gawin sa kiddie party ang pabitin.
|
Pabitin na hindi bitin |
Dito pa lamang sa pabitin ramdam muna na isang masaya at kwelang pasabog ang mangyayari sa Manila Improv Festival.
Narito ang ilan sa mga makukulit at masasayang mga eksena sa Manila Improv Festival 2015 prescon.
|
Gabe Mercado ready to fight for One Chance Only |
|
Short but full of funny in this moment |
|
Long performance of SPIT together with the guest media Orly Agawin |
|
PR and Event Specialist Toots Tolentino and Gabe Mercado talks about how SPIT started |
|
One and Half Men, one of the performer in the Manila Improv Festival |
Post Sign : SPIT ay nagsimula sa isang pagkakaibigan na sinimulan ni Gabe Mercado at ngayon nga ay isa na sila sa nirerespetong theatre group sa bansa, di lamang yun thirteen years na sila!!
Ang tema ng Manila Improv Festival ngayon taon iyo ay "
FIND THE GAME" at tampok dito ang mga labing-tatlo kalahok mula sa iba't-ibang Improv Theatre groups sa mundo at lima naman sa Pilipinas kasama syempre ang SPIT.
- 3 Dudes Improv (Hong Kong)
- Bacolod Improv Group (Bacolod)
- The Beijing Collective (Beijing)
- Dulaang Atenista (Cagayan de Oro)
- Impro Mafia (Brisbane)
- The Improv Company (Singapore)
- Lamb Ink (Hong Kong)
- Landry & Summers (Los Angeles)
- One and a Half Men (Manila)
- People’s Liberation Improv (Hong Kong)
- People’s Republic of Comedy (Shanghai)
- PIP Show (Warsaw)
- Pirates of Tokyo Bay (Tokyo)
- Silly People's Improve Theater / SPIT (Manila)
- Switch Improv (Manila)
- Taichung Improv (Taichung)
- To Be Continued.... (Hong Kong)
- Zmack (Shanghai)
Siguro akong masisiyahan ang mga bawat manonood sa kanilang makikitang palabas sapagkat ang bawat palabas na kanilang makikita ay walang halong script o rehearsal man lang sapagkat ang bawat manonood ay kasali din sa pangtatanghal na ito kung baga sa isang sinehan para isayng 4D.
Kaya naman siguraduhin mong nakapagreserve ka na ng ticket mo sa darating na Manila Improv Festival kung hindi naku, hindi mo malalaman kung bakit nga ba patok at swak ang ganitong klaseng produksyon sa teatro.
Magsisimula ang Manila International Improv Festival 2015 sa Hulyo 8 hanggang 12 sa Philippine Educational Theatre Association (PETA) Theatre.
Para sa iba pang mga detalye patungkol sa Manila International Improv Festival 2015 maari lamang kayong pumunta sa opisyal na facebook ng SPIT
www.facebook.com/spitmanila o hindi naman kaya tumawag kay Jay Tipayan ng PETA Theater Center (02) 726-6244 / 09273917379.
Para naman sa iba pang mga larawan ng Manila International Improv Festival 2015 pumunta lamang sa opisyal na facebook ng
AXLPPI.
So paano kita-kits na lamang tayo sa PETA Theater.
Comments
Post a Comment