Kung Bakit Di Ako Nanonood ng Soap Opera
Kung Bakit Di Ako Nanonood ng Soap Opera ni Maestro Genaro Cruz
Sa buong buhay ko, “Amaya” lang ang talagang sinubaybayan kong soap opera, bagaman may ilang episode din akong hindi napanood.
Napapagod kasi ako kapag nanonood ng soap, tanong lang kasi ako nang tanong. Gano’n ba talaga ang nangyayari sa totoong buhay? Parang hindi nakaaalam ng “totoo” ang mga gumagawa ng soap.
Talaga bang nag-uusap ang bawat miyembro ng pamilya kapag may problema? O kinikimkim lang nila ang mga sama ng loob sa isa’t isa?
Talaga bang niyayakap ng ina ang isang anak na lalaki na umiiyak dahil sa mga pasanin sa buhay?
Talaga bang laging nagyayakapan ang ina at anak ng babae kapag nagsasabihan ng mga problema sa isa’t isa?
Talaga bang walang murang lumalabas sa bibig ng ama kapag natuklasang nagda-drugs o kaya ay nakabuntis ang anak na lalaki?
Talaga bang walang dyer-dyer na nangyayari kapag naghalikan na ang bidang lalake o babae? Talaga bang pagkatapos maghalikan, biglang nakahiga na lang sila at nakakumot. Tapos bilang biglang babangon ang lalaki na nakahubad tapos magpapantalon?
Talaga bang laging nagkikita ang inagawan ng asawa at ang nang-agaw ng asawa?
Talaga bang ang paghihiganti ay laging sampal o pagbubulalas masasakit na salita lang? Nag-aapoy sa galit ngunit ni walang isang murang lumalabas bibig?
Talaga bang wala na silang ibang buhay kundi ang sundan ang kanilang mga mahal at kaaway?
Maingay talaga ang ating mga soap opera. Nakabibingii talaga! Ang dadaldal ng mga tao sa soap-opera.
Hangga't napakaiingay ng mga tao sa soap opera, di ako manonood!
Ang larawan ay nagmula s Abs-Cbn Site.

Comments
Post a Comment