Mabining Mandirigma unang pasabog ng Tanghalang Pilipino sa 29th Season

Lahat ng nangyayari  sa ating paligid ay puno ng kwento, kwento maaring may katotohan o pawang nilikha lamang upang maging mabango ang kanilang pangalan. May mga bagay talaga sa mundo na mahirap isipin kung paano nga ba nangyari ang mga ito o mas dapat sabihin na bakit hinayaan ang mga ito?


Isa sa mga unang pasabog ng Tanghalang Pilipino sa kanilang opening season ay ang Mabining Mandirigma kung saan tatalakayin sa dulaang ito ang buhay ni Apolinario Mabini, isang kwento ng kabayanihan na punong-puno ng kwento mga kwento di natin nabasa sa mga aklat dahil sabi nga nila mas mainam na makita ito ng ating mga mata at tayo na mismo ang huhusga kung tama nga ba ang mga nangyayari?

Marahil nagtataka kayo kung bakit nasali ang Apolinario Mabini sa opening season gayung tapos na nga ang Mabini150 ngunit sa mga di nakakaalam ito ang magiging closing remarks ng Mabini 150, kaya naman nagpapasalamat ako sa bumubuo ng Tanghalang Pilipino, NCCA, CCP sa kanilang mahusay na collaboration para dito.

Narito ang ilan sa mga excerpt na maari ninyo makita sa kanilang palabas.


Isa ang Viva Republika Filipinas sa mga medyo kontrobersyal para sa akin sapagkat alam naman natin lahat ang kwento sa paglaya ng Pilipinas mula sa mga na nanakop na Kastila, di umano dahil kay Emilio Aguinaldo kung bakit naging malaya tayo. Pero para sa akin marami pang dapat aralin sa bagay na yan. Makikita sa excerpt na ito kung paano binigyan ng halaga ni Emilio Aguinaldo si Apolinario Mabini.

Anu nga ba ang naging konsepto o atake na gagawin ng Tanghalang PIlipino para sa Mabining Mandirigma?


Ayun kay Tata Nanding ang Artistic Director ng Tanghalang PIlipino, "It is a steampunk musical foregrounding the intellectual heroism of Apolinario Mabini, who in the second phase of Philippine revolution, displayed an uncommon vision, a warrior’s spirit, and a principled character, as he struggled against all odds to enjoin his countrymen to go beyond considerations of class, clan, economic gain and personal ambition, so they could think and act as citizens of one nation."

Napaisip ako noong nakita ko ang VTR ng Mabining Mandirigma kaya naman pala ganun kadark o tamang sabihin na medyo elista ang dating sapagkat ipapakita nila ang kakaibing musikal na masasabi ko na maaring first time ito sa akin at di lamang yun ang gaganap na Apolinario Mabini ay babae, oo tama ang inyong nabasa babae ang gaganap na Apolinario Mabini, Bakit? Sapagkat para mas lalong maipakita at mas makinig ang mga manonood.
Delphine Buencamino bilang Mabining Mandirigma

Ang gaganap na Apolinario Mabini ay si Delphine Buencamino at sasamahan siya nina Arman Ferrer bilang Emilio Aguinaldo.

Narito ang ilang larawan na nagapan sa prescon ng Mabining Mandirigma

Ang mga Ilustrados
Arman Ferrer bilang Aguinaldo
The cast of Mabining Mandirigma

Narito ang kumpletong listahan ng mga gaganap sa Mabining Mandirigma.


Carol Bello bilang Dionisia / Inang Bayan,   Marco Viaña bilang Pule / Calderon / Koro, Aldo Vencilao bilang Pepe, Jonathan Tadioan bilang Felipe Buencamino / Koro, JV Ibesate bilang Pedro Paterno / Koro, Lhorvie Nuevo bilang Aling Sima / Koro, Phi Palmos bilang Noriel / Bata / Koro, Kristofer Kliatchko bilang
Antonio Luna / Koro , Karl Alexis Jingco bilang Gregorio Araneta, Ck Español bilang Padre Valerio Malabanan / Trias / Renson Gacutana bilang Koro, Roman / Koro, Kenneth Mangurit bilang Rusca / Koro,
EJ Pepito bilang William Howard Taft / VJ Estohero Cortel bilang Koro, Sandiko / Koro, Alfritz Blanche bilang Benito Legarda, Sigrid Macarena Balbas bilang Bell / Koro, Katreen Dela Cruz bilang Douglas MacArthur / Koro, Merry Mia Sinaguinan bilang Mark Twain / Koro at Antonette Go bilang Koro.

ARTISTIC STAFF: Librettist: Dr. Nicanor G. Tiongson, Music & Composition: Jed Balsamo, Director: Chris Millado, Choreographer: Denisa Reyes, Set Design: Toym Imao, Costume Design: James Reyes
Lighting Design: Katsch Catoy, Technical Director: Barbara Tan-Tiongco at Video Projection Design: GA Fallarme

Mapapanood na ang Mabining Mandirigma sa darating na Hulyo 3 hanggang 19, 2015 Biyernes hanggang Linggo, 3pm at 8pm para sa Gala show sa Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theater).

So paano kita-kits tayo sa darating na gala night mga kaibigan!

Para sa iba pang mga larawan ng Mabining Mandirigma pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI.

Comments

Popular Posts