The Blue Moon Gala Repertoire
Ballet Phillippines is one of the amazing group in the theater interm of ballet.
Di talaga ako nagkamali doon kahit sabihin natin iilang beses pa lamang ako nakapanood ng kanilang palabas ay iba pa rin ang ginagawa nilang impact sa akin, kahit na di ako marunong sumayaw ay marunong naman akong bumasa ng galaw (marahil dahil naging mananayaw din ako noong elementarya ako noon). Kaya naman noong imbitahan ako ng Ballet Phillippines para sa kanilang once in a blue moon series nila ay umoo ka agad ako sapagkat alam ko na isa ito sa mga magiging markadong mga palabas na makikita ko sa kanila.
Isa sa mga napanood kung The Blue Moon Series nila ay ang GALA kung saan ipinakita nila ang ilan sa mga di makakalimutang masterpiece ng Ballet Phillippines at mga award-winning works.
Mga master piece na bihira mo lamang makita dahil alam naman natin na ang bawat galaw at indayog ng musika ng ballet ay talaga naman pinaghihirapan. Kahit sabihin natin na sandali lamang ang mga ipinakitang mga sayaw ay alam mo nasa sarili mo na mahirap gawin yun.
Isa sa mga masasbi kung natuwa ako sa line-up ay ang Bungkos Suite kung saan binagsama-sama ang ilan sa mga sikat na awiting bayan kagaya na lamang ng Dahil Sa iyo (na talaga naman nagbigay ng kakaibang marka, marahil dahil maaalala mo dito ang dating First Lady at Metro Manila Governor na si Imelda Marcos), Chitchiritchit, Dandansoy, Manang Biday at Telebong. Marahil kaya nagustuhan ko ang Bungkos Suite sapagkat parang ibinalik ako nito sa aking pagkabata kung saan tuwing mga orasyon sa paaralan ay naisayaw mo ang ganyang tugtugin, hindi ba?
R/J (Choreographed by George Birkadze ; Music by Dmitri Shostavich)
Isa din to sa masasabi ko nagustuhan ko marahil dahil alam ko ang kwento ng R/J. Sa mga di nakakaalam ang ibigsabihin ng R/J ay Romeo at Juliet na kung saan ang wagas nilang pagmamahalan ay nauwi lamang sa isang malagim na trahedya dahil sa maling impormasyon na nakuha nilang dalawa. Kodus sa dalawang ballet dancer sa napagandang interpretasyon sa R/J.
Cold Song (Choreographed by Max Luna III ; Music by Klaus Nomi)
Nagsimula sa isang tahimik na pagsasayaw na nauwi sa isang mahinahom hanggang sa unting-unti nawawala ang musika, animo'y parang isang pag-ibig na na nagsimula sa simpleng hi na nagtapos sa isang masaya ngunit komplikadong relasyon. Ramdam mo dito ang hinagpis ng mananayaw lalong-lalo na kung saan para siyang naghihingi ng limos sa kanyang mahal.
Ika nga ng karamidam may hugot talaga.
Ilan sa mga nakaline-up sa gabing iyon ay ang mga sumusunod
Salome ni Agnes Locsin , Nocture ni Carlos Pacis, Je Tu Elle ni Redha Benteifour , Farandole ni George Birkadze, Kitri's Variation from Don Quixote, Act III ni Marius Petipa at Alexander Gorsky, staged by Nina Ananiashvili, Poised nu Joseph Morrissey, Song of the Wayfarer.
Over-all nag-enjoy talaga ako ng husto sa nakaline-up ng The Blue Moon. At nagpapasalamat ako na nagbigyan ang ng pagkakataon na mapanood ito sapagkat pagkatapos nito ay magkakaroon na sila ng Ballet Tour sa Estados Unidos at Canada upang ipamalas din nila ang kanilang akting galing. Ito'y gagawin ngaun buwan ng Oktumbre.
Ilan sa mga nakaline-up sa kanilang Ballet Tour ay ang AKU ni Alden Lugnasin, Halik ni Paul Alexander Morales, After Whom ni Augustus Damian III, Moriones ni Agnes Locsin at TAMBOL at PADYAK ni Tony Fabella.
So paano hanggang dito na lamang ako, sana sa susunod ay makatabi o makita kita sa darating na show ng Ballet Philippines.
Para sa iba pang mga detalye patungkol sa Ballet Philippines maari lamang silang makontak sa www.ballet.ph o kaya 551-1003
Larawan mula sa Ballet Philippines

Comments
Post a Comment