My ManilArt 2014 Experience

May mga bagay sa ating paligid na basta-basta na lamang natin binabalewala dahil sa atin tingin ay wala naman itong silbi o mas mainam na sabihin ng karamihan na wala lang yan. Ngunit subalit kung tutuusin naman ay isa itong mahalagang aspeto ng buhay dahil kung wala ang bahay na iyon ay alam naman natin na magiging malungkot ito o may kulang sa paligid, hindi ba?

Anu nga ba ang bagay na tinutukoy ko sa unang talata ko? Walang iba kungdi ang arts, isang arts na nagbibigay ng kakaibang saya sa bawat nakakagusto sa bagay na ito, isang arts na sa tingin ng karamihan ay para lamang sa mayayaman o kilalang tao sa lipunan ngunit kung tutuusin naman ay para sa lahat naman ito sapagkat lahat tayo ay may tinatagong arts, hindi lamang natin ito nakikita o naipapakita ng husto sa ibang tao.


Isa ang uli ng arts ang painting, alam naman natin lahat na ang bawat painting ay may kwento, kwentong maari mabasa mo ng mabilisan dahil sa ganda ng pagkakagawa ng isang pintor meron din painting na aninoy magulo mahirap basahin o mas tamang sabihin na abstract ito, isang abstract na marami ang pwedeng maging interpretasyon sa bagay na iyon ngunit kung nanamnamin mo ang mga detalye na nakapaloob mismo sa abstract painting na iyon mabilis mo lamang ito  matutunan na alamin lalo kung ang pintor ay nasa paligid mo lamang, syempre meron din mga primera klaseng mga sculpture na makikita mismo sa gallery area.

Kaya naman laking papasalamat ko ng imbitahan ako ng aking kaibigan na umattend ng isang exhibit kung saan ipapamalas ang galing ng ating kapwa Pinoy, ito ang ManilART 2014.

Anu nga meron sa ManilArt, paano ito nagsimula?

Ayun mismo sa kanilang opisyal na webiste, "ManilART 2014 unveils contemporary art of the highest quality that represents a wide range of talent, insight, as well as whimsy.

The show promises to be a prized venue to celebrate Philippine contemporary art and its growing global network of artists and galleries. This year is the 6th edition of ManilART, with 28 of the best galleries in the Philippines, plus works from Europe and Southeast Asia."

Syempre di naman mabubuo ito kung hindi sa Bonafide Art Galleries Organization (BAGO) at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Narito ang ilang sa mga naganap sa ManilArt 2014, SMX Aura Convention Center.

ManilArt 2014 opening
Sila lang naman ang ilan sa mga prominent people na nagbigay ng opening remarks para sa magbubukas ng ManilArts.
some vip guest enjoying the traditional music
Di ko akalain na ang ilan sa mga kilalang tao o sabihin nating elista ay magaling tumugnog ng isang masayang tradisyonal na musika ng katutubo.

The Igurot
Isa sa mga magagandang painting, isang matang nagpapahiwatig ng pagbabago?

Where's my book
Kagaya ng nasabi ko mas masarap tignan ang isang bagay kung alam mo kung paano ito bibigyan ng halaga, katulad na lamang ng isang ito.

When the artist talks
Isang pag-uusap patungkol sa kahalagahan bilang isang pintor.

Ilang lamang yan sa mga naganap noong ManilArt 2014 kung saan nagsama-sama ang lahat para sa masayang pagtitipon na ito. Ikaw kailan ka nga ba huling nagpunta sa isang museo o isang exhibit upang bigyan pansin ang isang gawa ng pintor?

Lalo na ngaun na buwan ng museo at libre lamang ang pagpunta dito kaya naman wag mong palagpasin ang pagkakataon na yun, malay mo balang araw maging isang magaling ka rin na pintor at magkaroon ng isang exhibit sa isang kilalang gallery sa bansa.

Syempre andito na rin lamang ako pumili ako ng aking TOP 5 favorite painting, drawings, sculptures, installations, at functional art.






Ang ManilArt 2014 ang ginanap noong October 15 para sa mga VIP guest at naging open to public noong October 16 hanggang 19. Mayroong mahigit kumulang na 500 na painting, drawings, sculptures, installations, at functional art.

Para sa iba pang mga lawaran pumunta lamang sa opisyal na facebook fanpage ng AXL Powerhouse
Isang pasasalamat kay MJ Gonzales para sa imbitasyon na ito.

Comments

Popular Posts